Gilas Pilipinas isusunod ang Vietnam
(Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Susubukan ng Gilas Pilipinas na agarang masundutan ang kanilang dominanteng tagumpay sa 5x5 men’s basketball ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa pagbangga nito sa mapa-nganib na Vietnam nga-yong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Makakaharap ng Gilas ang Vietnam bandang alas-8:15 ng gabi matapos ang tapatang Myanmar at Singapore sa alas-12 ng tanghali at alas-4:15 sa pagitan ng Malaysia at Cambodia habang sa 6:00 ng gabi naman ang women’s match-up ng Thailand at Indonesia.

Binuksan ng Gilas ang kampanya nito sa regional biennial meet nang pulbusin nila ang bansang Singapore, 110-58, kamakalawa, para nakawin ang 1-0 na standing sa Group A kasosyo ang Vietnam (1-0).

Nagawa man na magpakitang-gilas ang Nationals, alam pa rin ni Gilas head coach Tim Cone na magiging mabigat ang magiging laban nila kontra sa Vietnam, na pinalubog din ang Mynamar, 131-52, para sa kanilang unang panalo.

“We don’t know much about Vietnam but like I said they have dangerous players, they’re real-ly good have with each other,” ani Cone. “They have fight in the upstage, they embrace that kind of basketball in 3x3, so they’re gonna be tough. Our big foot right now is in Vietnam.”

Sasandal muli ni Cone ang sina Troy Rosario, Stanley Pringle, Vic Manuel, Matthew Wright at June Mar Fajardo na nanguna sa tropa matapos mag-rehistro ng double-digit finish sa unang laro upang madagit ang ikalawang sunod na panalo na magdadala sa kanila sa semifinals.

Makakaagapay nila sina Greg Slaughter, Chris Ross, Kiefer Ra-vena, LA Tenorio, Japeth Aguilar at Christian Standhardinger. (FJ)

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with