Phl track and field team papagitna
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

CAPAS, Tarlac, Philippines — Ang nakatayang dalawang gintong medalya ang pipilitin ng Pilipinas na makopo sa Day One ng athletics competition ng 30th Southeast Asian Games ngayon dito sa New Clark City Athle-tics Stadium.

Babanderahan nina Filipina marathon queen Mary Joy Tabal at Christine Hallasgo ang laban ng bansa sa women’s marathon habang sina Anthony Nerza at Jerald Zabala ang tatakbo sa men’s division.

“Kailangan manalo tayo sa dalawang unang events ng athletics para ma-inspire pa ‘yung ibang athletes to do their best,” sabi ng 30-anyos na si Tabal.

Target ng tubong Barangay Guba, Cebu City ang kanyang back-to-back gold medal matapos magreyna noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Aalalayan ko lang siya, pero sana maka-podium finish din ako,” wika naman ng 26-anyos na si Hallasgo na nagwagi sa 2019 National Milo Marathon kagaya ng 29-anyos na si Nerza.

Ang nasabing Manila Leg ang ginamit na basehan ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) para pumili ng ilalaban sa SEA Games marathon.

Umaasa si Tabal na mapapaganda niya ang itinalang dalawang oras, 48 minuto at 26 segundo noong 2017 SEA Games na malayo sa kanyang personal best na 2:43.31.

Ipinoste niya ito noong 2016 Scotiabank Ottawa Half-Marathon sa Canada  na naging dahilan para siya ang maging unang Pinoy marathoner na nag-qualify sa Olympic Games noong 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil.

Anim na sunod na beses pinagreynahan ni Tabal ang Milo Marathon Finals mula noong 2013 hanggang 2018.

Bukod kay Tabal, aasahan ding magsubi ng gold sina pole-vaulter Ernest John Obiena, ang unang Pinoy qualifier sa 2020 Tokyo Olympics at ang mga Fil-Am bets na sina Kristina Knott at Zion Corrales-Nelson.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with