Ika-3 cycling gold kay Prado
Chris Co (Pang-masa) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagdagdag pa ang national cycling team ng isang gintong medalya mula kay Jermyn Prado na nangibabaw sa women’s individual time trial sa 2019 Southeast Asian Games road races cycling competitions kahapon sa Tagaytay City.

Nairehistro ni Prado ang impresibong 44 minuto at 44.742 segundo para pagreynahan ang naturang event.

Matikas na tinahak ni Prado ang ruta mula sa Nasugbu, Batangas patungong Praying Monument para matagumpay na makuha ang gintong medalya.

Sumegunda naman si Luo Yiwei ng Singapore na nagsumite ng 44:48.518 habang nakatanso si Somrat Phetdarin ng Thailand na may nailistang 44:58.152.

“Talagang itinodo ko na po. Sobrang hirap pero nagbunga ang lahat ng sakripisyo namin sa training. Iba ‘yung feeling, sobrang saya po,” wika ni Prado.

Gitgitan ang labanan sa umpisa pa lamang ng laban.

Subalit rumatsada ng husto ang Philippine Navy-Standard Insurance Continental Team member sa huling sandali ng bakbakan para matamis na makuha ang panalo.

Bagsak ito pagdating sa finish line.

Nagtapos lamang sa ikapitong puwesto si Marella Salamat hawak ang 45:59.275.

Bigo naman ang Pinoy cyclists na maduplika ang tagumpay ni Prado matapos pumang-apat lamang si Ro-nald Oranza na may 1:00.48.400 habang ikaanim naman si Mark John Lexer Galedo na may 1:00.51.135.

Nanguna si Aiman Cahyadi ng Indonesia (58:37.003) kasunod sina Thanakhan Chaiyasombat ng Thailand (59:20.535) at Choon Huat Goh ng Singapore (1:00.14.593).

Mayroon nang tatlong gintong medalya ang national cycling team.

Nauna nang nakasungkit sina Lea Denise Belgira at John Derick Farr sa mountain bike.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with