^

PM Sports

Ang pinakahihintay na gold sa swimming

Russell Cadayona - Pang-masa
Ang pinakahihintay na gold sa swimming

CAPAS, TARLAC, Philippines — Matapos ang mahabang panahon, nagkaroon ng gold medal ang Pilipinas sa swimming competition ng Southeast Asian Games.

Nilangoy ni James Deiparine ang pinakahihintay na swimming gold ng Pinas sapul pa noong 2009 kagabi sa New Clark City Aquatics Centre.

Inangkin ni Deiparine ang gold medal sa men’s 100-meter breaststroke event sa kanyang tiyempong 1:01.46 para talunin sina Phan Thanh Bao (1:01.92) ng Vietnam at Khoo Chien Yin Lionel (1:01.98) ng Singapore na nagkasya sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

Pumangalawa si Deiparine sa preliminaries noong umaga sa kanyang oras na 1:02.70.

Samantala, nabigo naman si Fil-American Re-medy Rule na mabingwit ang gold medal matapos makuntento sa silver medal sa women’s 200 butterfly sa kanyang oras na 2:10.99.

Pinagreynahan ni Quah Jing Wen ng Singapore ang nasabing event mula sa kanyang bilis na 2:10.97, habang inangkin ni Le Thi My Thao ng Vietnam ang bronze medal sa 2:12.70.

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with