Pinas no. 1 pa rin
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kahit nakansela ang maraming laro bunga ng bagyong Tisoy hindi natinag ang Team Philippines sa pangkalahatang pamumuno matapos pangunahan nina world champion gymnast Carlos Yulo at wushu artists Agatha Wong ang kampanya ng mga Pinoy sa ikatlong araw na aksiyon sa 30th Southeast Asian Games.

Nakopo ni Yulo ang kanyang  ikalawang gintong medalya nang muli itong magpamalas ng kahanga-hangang performance sa kanyang paboritong floor exercise event sa harap ng kanyang mga kababayang sumugod sa Rizal Memorial Coliseum kahit may bagyo.

Naglaho ang tangkang seven-gold sweep ni Yulo matapos pumangalawa lamang sa pommel horse at still ring events.

 Nauna nang nanalo si Yulo sa men’s individual all-around event noong Linggo.

Matapos magpasikat ang dancesport noong Linggo at ang arnis kamakalawa, ang mga wushu artists naman ang bumida sa pagkopo ng anim na golds sa pangunguna ni Wong na nagsubi ng kanyang ikalawang gold medal.

Nauna nang napa-sakamay ni Wong ang gintong medalya sa tajiquan event noong Linggo.

Naghatid ng ginto sina Divine Wally (48kg wo-men), Jessie Aligaga (48 kg men), Arnel Mandal (52kg men), Francisco Solis (56kg men) at Cle-mente Tagubara (65 kg men) habang nakapilak naman si Fred Padua (60kg men).

Natalo si Padua kay Vietnamese Bui Truong Giang para magkasya lamang sa pilak.

Maningning namang tinapos ng Philippine Arnis team ang kanilang kampanya sa pagsubi ng da-lawa pang gold kahapon para sa kanilang kabuuang 14-gold medals sa kompetisyon.

Nagpahabol ng gold sina Crisamuel Delfin at Mary Allin Aldeguer, nagwagi sa men’s at women’s anyo non-traditional open weapon, ayon sa pagkakasunod.

Maliban sa 14 golds ay nagbulsa rin ang mga Pinoy ng apat na silver at dalawang bronze medals.

Sa weightlifting sa Ninoy Aquino Stadium, nagkasya sa silver medals sina Elreen Ann Ando at Margarett Colonia at bronze lamang kay Nestor Colonia.

Bunga ng mga panalong ito, nanatili ang Philippines sa pangkalahatang pamumuno as of 7 p.m. kagabi sa  nahakot na  47-golds, 27-silvers at 16 bronze medals patungo sa ikaapat na araw ng kompetisyon kung saan magbubukas ang swimming, traditional boat race, basketbasll 5x5, golf, indoor hockey at judo.

Nasa ikalawang puwesto pa rin ang Vietnam sa kanilang 22-26-24 gold-silver-bronze habang naungusan na ng Indonesia ang Malaysia sa ikatlong puwesto sa kanilang 12-18-17 kumpara sa 12-3-11 ng huli.

PINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with