Pinay volleybelles vs Vietnam
Chris Co (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Uumpisahan ng Pinays spikers ang kampanya nito ngayong araw sa pagsalang kontra 2017 silver medallist Vietnam sa 2019 Southeast Asian Games women’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.

Papalo ang duwelo ng Pilipinas at Vietnam sa alas-6 ng gabi habang magtutuos naman ang 11-time champion Thailand at 2017 bronze winner Indonesia sa alas-3:30 ng hapon.

Apat na koponan lamang ang maglalaban-laban sa edisyong ito kung saan ipatutupad ang round-robin format.

Ang tatlong mangu-ngunang koponan lamang ang mabibiyayaan ng ginto, pilak at tanso.

Pakay ng Pinay squad na makabalik sa podium matapos mawala sa Top 3 sa anim na sunod na edisyon ng biennial meet.

Huling naka-tanso ang Pilipinas noong 2005 nang idaos ang palaro sa bansa.

Malaking pagsubok ang pagdaraanan ng Pinay spi­kers matapos malagasan ng apat na key players dahil sa magkakaibang dahilan.

Wala sa lineup sina Filipino-Americans Kalei Mau at Alohi Robins-Hardy gayundin ang Santiago sisters na sina Jaja at Dindin na parehong naglalaro sa commercial league sa Japan.

Walang Philippine passport si Robins-Hardy habang hindi nakakuha ng release paper si Mau sa United States Volleyball Association.

Kaya naman sasandalan ng tropa sina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez, Ces Molina, Aby Marano, Mika Reyes, Jovelyn Gonzaga, Mylene Paat, Aiza Maizo-Pontillas, Rhea Dimaculangan , Jia Morado,  Maddie Madayag, Majoy Baron, Eya Laure, Dawn Macandili at Kath Arado.

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with