Lakers inawat ng Dallas
(Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

LOS ANGELES -- Ang Slovenian sensation na si Luka Doncic at ang Dallas Mavericks ang tumapos sa 10-game winning streak ng Lakers.

Humugot si Doncic ng 21 sa kanyang 27 points sa second half at nagdagdag si Kristaps Porzingis ng 15 points para ihatid ang Mavericks sa 114-100 paggupo sa Lakers.

Tumapos si Doncic na may 10 assists at 9 rebounds at nag-ambag si Delon Wright ng 17 points para sa pang-pitong panalo ng Dallas sa huli nilang walong laban.

Humakot naman si LeBron James ng 25 points, 9 rebounds at 8 assists para sa Los Angeles, habang naglista si Davis ng 27 points at 10 rebounds.

Nagwakas ang 10-game winning streak ng Lakers, ang pinakamahaba nila sa nakaraang 10 taon.

Sa New York, umiskor si Goran Dragic ng 24 points, kasama dito ang three-point play na bahagi ng kanilang 10-0 ratsada habang nagdagdag si Jimmy Butler ng 20 markers para sa 109-106 pagtakas ng Miami Heat laban sa Brooklyn Nets.

Sa Toronto, nagpasabog si Pascal Siakam ng 35 points at nagtala si Fred VanVleet ng 21 points at 11 assists para sa 130-110 paggulpi ng Raptors kontra sa Utah Jazz.

Ang 77-37 halftime lead ng Toronto laban sa Utah ang pinakamalaki sa kanilang franchise history at sa NBA ngayong season.

Sa New Orleans, umiskor si Paul ng pito sa kanyang 16 points sa 12-0 atake para tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 107-104 pagdaig sa Pelicans.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with