Hidilyn Diaz
Philippine team kumapit sa No. 1 overall
Russell Cadayona (Pang-masa) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbidahan ng Philippine arnis team ang kampanya ng Pinas sa ikalawang araw ng kompetisyon habang agaw eksena 3x3 basketball team at si Olympic silver medalists na si Hidilyn Diaz upang mapanatili ang kapit sa overall leadership sa 30th Southeast Asian Games.

Matapos humakot ng apat na 5-gold sa unang araw ng kompetisyon, 7 gold na naman ang kinubra ng Phl Arnis team upang banderahan ang kampanya ng Pinas sa ikalawang araw ng kompetisyon.

Sa pangunguna ni featherweight Elmer Manlapaz, dinomina ng Pinoy arnis warriors ang padded stick competition kasama sina Jesfer Huquire (bantamweight) at Carloyd Tejada (welterweight) sa men’s division .

Kumuha rin ng gold medal sa kanilang mga events sina bantamweight Sheena Del Monte,  featherweight Jedah Mae Soriano, lightweight Ross Ashley Monville at welterweight Abegail Abad.

Sina bantamweight Dexler Bolambao, fea-therweight Niño Mark Tal-ledo, lightweight Villardo Cunamay at welterweight Mike Bañares ang unang kumuha ng apat na gintong medalya sa livestick event.

Nakopo naman ng Phl men 3x3 team nina CJ Perez, Mo Tautuaa, Chris Newsome at Jason Perkins at ng womens team nina Afril Bernadino, Jack Animam, Janine Pontejos at Clare Castro ang gold sa kani-kanilang dibisyon matapos igupo ang Indonesia, 21-9 at Thailand, 17-13 sa finals ayon sa pagkakasunod.

Dominanteng performance naman ang ipinamalas ng Olympic silver medalists na si Hidilyn Diaz sa weightlifting competition sa Rizal Memorial Coliseum para makopo sa wakas ang kanyang unang SEA Games gold.

Binuhat ng 28-gulang na si Diaz ang kabuuang 211kg para makopo ang gold sa women’s 55kg division.

Double victory din ang hatid ng Phl mountain bike team sa panalo nina Lea Denise Belgira at John Derrick Farr sa downhill event sa Laurel, Batangas.

Tatlong gold naman ang produksiyon ng Pinas sa Subic Cluster sa panalo ni Monica Torres sa Duathlon at Edmar Tacuel sa pencak silat at mixed relay team sa triathlon.

Inihatid ng Phl triathlon team ang kanilang ikatlong gold ang magtulung-tulong sina Kim Mangrobang at Claire Adorna teamed kasama sina Fernando Casares at John Chicano para pamunuan ang mixed team relay sa Subic Bay boardwalk.

Nauna nang nanalo sina Mangrobang at Chicano sa men and women’s triathlon noong Linggo. 

Bumawi naman ang mountain bikers sa pag-kabokya sa pagbubukas ng kompetisyon noong lLnggo sa pamamagitan ng double victory nina Lea Denise Belgira at John Derrick Farr sa downhill event na ginanap sa Laurel, Batanggas.

Gold din ang men’s pair nina Rodel Labayo at Angelo Morales  sa lawn ball sa Clark Global City.

As of 7:00 p.m. kagabi, nanatiling nakakapit ang Pinas sa liderato sa taglay na 38-gold, 20-silver at 13-bronze matapos humataw ng 22 gold sa unang araw ng kompetisyon tampok ang 10-golds ng dance-sport competition.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with