^

2 golds hatid ng wushu

Francisco Cagape (Pang-masa) - December 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang gold sa wushu at isa kay Carlos Yulo ang produksiyon ng Phl Athletes sa Manila Cluster sa unang araw ng aksiyon sa 30th Southeast Asian Games.

Emosyonal si Agatha Wong nang igawad dito ang gintong medalya sa women’s taolu taijiquan matapos magrehistro ng 9.67 puntos para matagumpay na maipagtanggol ang kanyang korona sa wushu competitions sa World Trade Center sa Pasay City.

Tinalo nito sina Lachkar Basma ng Brunei Darussalam at Tran Thi Minh ng Vietnam  na nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Nakita ang luha sa mata ni Wong habang inaawit ang Lupang Hinirang sa awarding ceremony.

Nais nitong ibahagi ang kanyang tagumpay sa teammate na namatay sa athletes’ quarter sa Rizal Memorial Sports Complex.

“I would like to dedicate my performance to my old teammate, Rastafari Daraliay, who recently passed away,” ani Wong.

Magugunitang nahulog si Daraliay sa double-deck na siyang naging sanhi ng pagkamatay nito.

Si Daraliay ay bahagi ng national junior wushu team.

“This is for him. I would also like to dedicate my performance and this gold medal to my family first of all because they’ve been supporting me ever since December last year. They know what I’ve been through,” ani Wong.

Magtatangka pang humirit ng ginto si Wong sa taolu taijijian event bukas (Martes).

 “I don’t really expect anything. Every time I compete, regardless if its Asian Games or SEA Games, I just want to be ready emotionally and mentally, and give my best every day,” aniya.

Nagkasya naman sa tanso si Daniel Parantac sa men’s women’s taolu taijiquan matapos magtala ng 9.54 puntos sa likod nina gold medallist Loh Choon Chow (9.68) ng Malaysia at silver winner si Zheng Yu Hosea Wong (9.59) ng Brunei.

Bukod sa wushu, may isang gold din mula sa gymnastics sa pinagandang Rizal Memorial Coliseum mula sa world class performance ni Carlos Yulo sa men’s individual all-around event.

Sa weightlifting nag-ambag ng silver si John Fabliar Ceniza sa men’s 55-kgs. division at bronze naman si Mary Flor Diaz sa 45-kgs. women’s division.

WUSHU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with