^

PM Sports

Yulo naka-1 gold na

Chris Co - Pang-masa
Yulo naka-1 gold na

MANILA, Philippines — Binigyan ni Tokyo Olympics-bound Carlos Edriel Yulo ng isang world class performance ang mga kababayan nito upang matamis na angkinin ang gintong medalya sa men’s individual all-around event ng 2019 Southeast Asian Games men’s artistic gymnastics competition kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Inilabas ni Yulo ang pinakasolidong porma na natutunan nito sa ilang taong pagsasanay sa Tokyo, Japan upang ilampaso ang lahat ng kanyang karibal.

Hindi binigo ng 19-anyos gymnast ang mahigit 6,000 nanood sa venue nang magtala ito ng impresibong 84.900 puntos sa anim na routines para makuha ang kaniyang unang gintong medalya.

Nagtala si Yulo ng 14.650 sa floor exercise, 13.600 sa pommel horse, 13.600 sa still rings, 14.900 sa vault, 14.400 sa parallel bars at 13.750 sa horizontal bars.

“Hindi ko ini-expect na mananalo ako ng me-dals sa mga competitions na sinasalihan ko. Medyo kinabahan talaga ako dahil sa support ng crowd sa akin. Sobrang thankful ako sa lahat ng sumuporta sa akin,” wika ni Yulo.

Pinataob ni Yulo sina Vietnamese gymnasts Dinh Phuong Thanh na nagtala lamang ng 82.350 sapat para sa pilak at Le Thanh Tung na may 81.700 na siyang umangkin sa tansong medalya.

Nasa ikaapat si Saputra Muhammad ng Indonesia (75.500) at ikalima naman si Karn Boon Ratthasat ng Thailand (69.800).

Sunod na sasalang si Yulo sa pommel horse, still rings, parallel bars, horizontal bars, vault at floor exercise.

YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with