^

PM Sports

Yulo sasalang na ngayon

Chris Co - Pang-masa
Yulo sasalang na ngayon

MANILA, Philippines — Handa nang humakot ng gintong medalya ang Pilipinas sa pangunguna ng mga world-class athletes na ipaparada ng pambansang koponan sa 2019 Southeast Asian Games.

Una na sa listahan si Carlos Yulo na mamanduhan ang Pinoy squad sa gymnastics competitions na pormal nang magsisimula ngayong araw sa Rizal Memorial Coliseum.

Lalarga ang qualification ngayong araw habang idaraos naman ang apparatus competitions sa Martes at Miyerkules.

Hangad ni Yulo na makuha ang pitong gintong medalya sa men’s artistic gymnastics event matapos ang impresibong kampanya sa 49th FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginanap kamakailan sa Stuttgart, Germany.

“Focus lang ako nga-yon sa SEA Games. ‘Yun muna ang focus ko, wala nang iba. After this, saka ko na pagtutuunan ng pansin ‘yung iba pang kailangang tutukan,” wika ni Yulo.

Nakatutok din ang atensiyon kay Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa weightlifting competitions na magsisimula rin ngayong araw sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Pakay ni Diaz na masungkit ang kanyang unang gintong medalya sa Southeast Asian Games sa harap ng mga kababayang nitong inaasahang daragsa sa venue para sumuporta.

“Naka-gold medal na ako sa Asian Games pero wala pa akong gold sa SEA Games kaya this time sana makuha ko,” wika ni Diaz na sariwa sa pagkopo ng dalawang tanso sa 2019 IWF World Championship sa Pattaya, Thailand.

Sasalang si Diaz sa women’s 55-kg.

Maaasahan din ang boxing team na pamumunuan nina world champion Nesthy Petecio, Eumir Felix Marcial at John Marvin.

Maingay ang pangalan ni Petecio na nakasikwat ng gintong medalya sa World Women’s Boxing Championships sa Russia para tuldukan ang pitong taong pagkauhaw ng bansa sa ginto sa world meet.

Gaya ni Diaz, wala pang gintong medalya si Petecio sa SEA Games.

Kaya naman ibubuhos nito ang lahat para masi-guro ang kanyang panalo.

Ipagtatanggol naman nina Marcial at Marvin ang kanilang korona sa magkaibang dibisyon.

Target ni Marcial na makuha ang ikatlong sunod na gintong medalya sa SEA Games sa men’s middleweight (75-kg.) habang nais ni Marvin na makumpleto ang back-to-back sa men’s light heavyweight (81-kg.).

Galing si Marcial sa silver-medal finish sa World Men’s Boxing Championships na ginanap din sa Russia.

Isang solid world class team din ang isasabak ng billiards and snooker team.

Nangunguna na sina 2018 World 9-Ball champion Carlo Biado, dating world champion Efren “Bata” Reyes at dating SEA Games gold medalist Dennis Orcollo.

Tutumbok naman sa women’s division sina two-time World 10-Ball titlist Rubilen Amit at defending 9-ball champion Chezka Centeno.

YULO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with