Puso ang pinairal ng NorthPort
Russell Cadayona (Pang-masa) - November 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinakita ng No. 8 NorthPort ang kanilang karakter at puso matapos lusutan ang No. 1 NLEX via triple-overtime, 126-123, sa kanilang quarterfinals duel sa 2019 PBA Governor’s Cup kamakalawa ng gabi.

“The desire, the hunger, the composure, the commitment, nandoon. They really want to win,” wika ni head coach Pido Jarencio sa kanilang pagmartsa sa ikalawang semifinals appearance matapos noong 2016 PBA Philippine Cup.

Sinandigan ng Batang Pier sina Christian Standhardinger, import Michael Qualls at veteran small forward Sean Anthony para itakda ang kanilang best-of-five semifinals showdown ng Ginebra na magsisimula sa Disyembre 14 sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta ang 6-foot-8 Fil-German na si Standhardinger ng 33 points, 23 rebounds at 7 assists sa loob ng 61:02 minuto, habang nagtala si Qualls ng 31 markers, 21 boards, 5 blocks at 4 assists at may 30 points at 11 rebounds si Anthony.

Binanderahan naman ni NBA veteran Manny Harris ang Road Warriors sa kanyang 43 points, 16 boards at 5 assists.

Nauna nang tinalo ng NorthPort ang NLEX, nagbitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, sa pamamagitan ng 115-90 panalo para maitakda ang kanilang ‘sudden death’.

Samantala, psoitibong pananaw naman ang iniha-yag ni NLEX mentor Yeng Guiao ukol sa kanilang pagkakasibak sa season-ending conference na pinagharian ng Magnolia noong nakaraang taon.

NORTHPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with