Kumpleto na ang Gins
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumpletos rekados na Barangay Ginebra ang na­kahandang humarang sa Grand Slam bid ng San Mi­guel sa pagsisimula ng kanilang 2019 PBA Go­vernors’ Cup quarterfi­nal match-up sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos kasi ang higit dalawang linggo ay mag­ba­balik-aksyon na ang higanteng si Greg Slaughter sakto sa hangarin ng Gin Kings na madispatsa agad ang Beermen sa isang laro lang upang makaabante na agad sa semifinals ng season-ending conference.

Hawak ng Ginebra ang ‘twice-to-beat’ advantage bilang No.4 squad kontra sa No. 5 San Miguel.

Noong Nobyembre 3 pa huling nakapaglaro ang 7’0 na si Slaughter ma­tapos madale ng thumb in­jury na pumigil din sa kanyang makapagsanay ka­sama ang Gilas Pilipinas na naghahanda para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Sa pagdating ni Slaughter ay kargado na ang line-up ng Ginebra da­hil sa nakabalik na rin mu­la sa kani-kanilang in­ju­ries sina Joe Devance, Ju­lian Sargeant, Jeff Chan at Jared Dillinger.

Sasamahan nila ang re­gulars na sina Japeth Aguilar, LA Tenorio, Scottie Thompson, Art Dela Cruz, Stanley Pringle, Prince Ca­peral, Aljon Mariano, Mark Caguioa, Raymond Aguilar at resident import na si Justin Brownlee.

Kabaliktaran naman ang sitwasyon sa kampo ng Beermen na tatangkaing buhayin ang kanilang Grand Slam hopes nang wala sina Arwind Santos, Kelly Nabong at Ronald Tubid na sinuspinde ng ma­nagement matapos ang gulong kinasangkutan no­ong Lunes sa loob mismo ng kanilang training.

Humahangad ang Gin Kings na mabawing muli ang Governos’ Cup na pinagharian nila noong 2016 at 2017.

 

GINS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with