PBA Press Corps-Cignal Player of the Week
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos bitbitin ang NorthPort sa playoffs, pinarangalan si Sean Anthony bilang PBA Press Corps – Cignal Player of the Week sa huling elimination round week ng 2019 PBA Governors’ Cup.

Humakot ang Fil-Canadian forward ng kumpletong 18 puntos, anim na rebounds at anim na assists sa 98-96 tagumpay kontra sa Barangay Ginebra noong nakaraang linggo upang pormal na makapasok sa playoffs.

Subalit bago iyon, nag­pasiklab din ang ver­satile big man ng 19 points at 7 boards sa mala­king 102-94 silat na pana­lo ng Batang Pier kontra sa No.1 NLEX.

Sa kabuuan, nagrehistro si Anthony ng 18.5 points, 6.5 rebounds at 4.0 assists sa dalawang krusyal na ta­gumpay ng Batang Pier upang masungkit ang lingguhang parangal mula petsa Nobyembre 11-17.

Bunsod sa solidong per­formance na ito ni Antho­ny ay nakuha ng Batang Pier ang huli at ikawalong playoff spot.  

BA PRESS CORPS-CIGNAL PLAYER OF THE WEEK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with