Nuggets pinigilan si James Harden
(Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

DENVER – Alam na ng Nuggets kung paano depensahan ang Houston Rockets at si scoring guard James Harden.

Kumolekta si center Nikola Jokic ng 27 points at 12 rebounds para pangunahan ang Denver sa 105-95 paggupo sa Houston.

Tinapos ng Nuggets ang eight-game winning streak ng Rockets.

“You have to have rules against James Har-den,” paliwanag ni Denver coach Michael Malone. “You can’t play him with your standard defense. Great player defense is required for great players.”

Ginawa ng Nuggets ang lahat ng paraan para patahimikin si Harden kung saan maski ang 7-foot na si Jokic ay tu­mu­long sa pagbabanbtay sa All-Star guard.

Tumapos si Harden na may 27 points matapos humataw ng magkakasunod na higit sa 36 markers sa mga nakaraang panalo ng Houston.

Sa Atlanta, nagsu­mite si Giannis Anteto-kounmpo ng 33 points at 11 rebounds habang may 28 markers si Eric Bledsoe para pamunuan ang Mil­waukee Bucks sa 135-127 paggupo sa Hawks.

Ito ang pang-limang sunod na arangkada ng Bucks, naipanalo ang siyam sa kanilang huling 10 laban.

Sa Miami, nagsalpak si Duncan Robinson ng pitong 3-pointers sa se-cond quarter para tumapos na may career-high 29 points sa 124-100 pag-rapido ng Heat laban sa Cleveland Cavaliers.

Nagdagdag si Tyler Herro ng 22 points para sa Miami habang may 21 markers si Jimmy Butler bagama’t naimintis ang una niyang 12 tira.

Humakot naman si Kevin Love ng 25 points at 13 rebounds sa panig ng Cleveland at naglista si Collin Sexton ng 19 markers.

Sa Minneapolis, pina-munuan nina Bojan Bogdanovic at Donovan Mitchell ang magandang 3-point shooting ng Utah Jazz sa fourth quarter para sa kanilang 103-95 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Kumamada si Bogdanovic ng 30 points, samantalang may 26 markers si Mitchell para ibangon ang Jazz mula sa home loss kontra sa Timberwolves noong Lunes.

JAMES HARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with