Pau Gasol
Pau Gasol binitawan ng Trail Blazers
(Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

PORTLAND – Bi­nitawan ng Trail Bla­zers si veteran Pau Ga­sol matapos mabigo ang 39-anyos na big man na mapagaling ang kanyang left foot injury ma­ka­raang sumailalim sa surgery.

Sinabi ni Gasol na ka­salukuyan nang ina­a­yos ng Portland ang de­talye para sa kanyang coaching role sa kopo­nan.

May dalawang NBA championship ang future Hall of Famer at anim na All-Star appearances sa kanyang 18 NBA seasons.

Nananatili siya sa lungsod para sa kanyang rehab.

Nauna na siyang lu­magda sa Milwaukee Bucks matapos ang buyout sa kanyang kontrata ng San Antonio Spurs sa nakaraang season. Napanood lamang siya sa tatlong laro para sa Bucks bago nagkaroon ng season-ending foot injury.

Tinapos ni Gasol ang kanyang paglalaro sa nakalipas na season na may career-low 3.9 points at 4.6 rebounds.

Nauna nang pumir­ma si Gasol sa isang one-year deal sa Blazers no­ong Hulyo.

Naglaro rin si Gasol para sa Memphis Grizzlies, Los Angeles La­kers at Chicago Bulls at may outstanding FIBA ca­reer sa Spanish natio­nal team.

PAU GA­SOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with