Leo Austria
Optimistiko pa rin si Austria
Russell Cadayona (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagpapa­taw ng San Miguel mana­gement ng indefinite sus­pension kina Arwind San­tos, Kelly Nabong at Ro­nald Tubid ay kumpiyansa pa rin si head coach Leo Austria sa kanilang tsansa sa PBA Grand Slam.

Pinatumba ng TNT Katropang Texters ang Beermen, 114-109, no­ong Miyerkules para angkinin ang No. 3 seat at ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinal round ng 2019 PBA Go­vernor’s Cup.

Ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod.

Nahulog naman ang San Miguel sa No. 5 at ma­kakaharap ang No. 4 na Barangay Ginebra, may bitbit na ‘twice-to-beat’ bo­nus sa quarterfinals na magsisimula sa Linggo.

“We take it positively. That’s a normal thing that might happen in any team, whether it’s NBA or PBA,” wika ni Austria sa pagkawala nina Santos, ang one-time PBA Most Valuable Player awar­dee, Nabong at Tubid sa kanilang kampanya.

Ang suspensyon ng SMC management kina Santos, Nabong at Tubid ay mula sa pagkakasangklot nila sa rambulan na nag-ugat sa hard pick ni Santos kay import Dez Wells sa kanilang nakaraang ensayo.

Pinauwi na si Wells at si John Holland ang mu-ling nagsuot ng uniporme ng Beermen sa ikalawang sunod na pagkakataon sa kanilang pagkatalo sa Tro­pang Texters.

Hangad ng San Miguel ang pambihirang PBA Grand Slam matapos pag­harian ang nakaraang 2019 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

“We are happy that we are still in contention in the quarterfinals,” wika ni Austria.

Sa iba pang quarterfinals pairing ay lalabanan ng No. 1 NLEX ang No. 8 NorthPort habang makakatapat ng No. 2 Meralco ang No. 7 Alaska.

Sasagupain naman ng No. 3 TNT Katropa ang No. 6 Magnolia, ang nagdedepensa sa korona ng season-ending confe­rence.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with