Castro balik-aksyon na
Jayson Castro
Castro balik-aksyon na
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakabalik na sa aksyon si Jayson Castro pero na-nga­kong mas mabangis pa ang ipapakita sakto sa quarterfinal campaign ng Talk ‘N Text sa 2019 PBA Governors’ Cup.

Ayon kay Castro, malapit na niyang maabot ang perpektong kondisyon sa tu­long ng extra workout bu­kod pa sa practice ng KaTropa simula nang bu-ma­lik siya ngayong linggo.

Sa kanyang unang laro simula noong nakaraang bu­wan ay walang kupas si ‘The Blur’ nang magpa-kawala ng 12 points at 11 assists upang tulungan ang TNT na maipagpag ang problemadong San Mi­guel, 114-109.

Bunsod ng naturang pa­nalo ay nasiguro ng Ka­Tropa ang ikatlong pu­westo pagkatapos ng elimination round hawak ang 8-3 kartada para sa ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.

Matatandaang noong na­karaang buwan ay nadale si Castro ng soleus muscle strain sa kanyang ka­nang binti na dahilan ng matagal niyang pagka­wala. Numero uno pa ang TNT noong hawak ang ma­linis na kartada bago muntikang masadsad at mahawakan pa rin ang playoff bonus.

“Malapit na. Medyo nag-heal na siya pero ‘yung rhythm, wala pa,” aniya.

Ngayon ay itutuon na ng Pampanga-native ang kanyang atensyon kontra kontra sa No. 6 Magno­lia.

Isang panalo lang ang kailangan ng KaTropa kontra sa Hotshots upang ma­kaabante na sa semifinals sa ikatlong su­nod na con­ference sa 2019 season.

Sisiklab ang duwelo sa alas-7 ng gabi sa Lunes sa Smart-Araneta Coliseum ma­tapos ang bakbakang No. 8 na Northport at No.1 na NLEX.

JAYSON CASTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with