Unang skateboarding venue matatapos na
(Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malapit nang matapos ang maka­say­sayang skateboarding venue na ga­gamitin para sa paparating na 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Skateboarding and Roller Sports Association of the Philip­pines President Monty Mendigoria, 95-percent ready na ang venue sa Tagaytay Oval at makukumpleto ang konstruksyon sa Nobyembre 25.

“Halos ready na ‘yung skate park natin. Ready for use na ‘yung bowl for park course at ang hinihintay nalang natin ay ‘yung sa street course,” wika ni Mendigoria.

Kabuuang walong gintong me­dal­ya ang nakataya sa skateboarding na lalaruin bilang medal sport sa unang pagkakataon sa SEA Games history na lalarga na mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Misyon ni Mendigoria at ng kanyang 12-strong national team na walisin ang lahat ng naturang events sa pangu­nguna nina Asian Games gold medalist Margielyn Didal gayundin ang world-class skaters na sina Christiana Means, Kiko Francisco at Jaime De Lange.

Anim na events na street, games of skate at park sa men’s and women’s division ang gaganapin sa Tagaytay Oval, habang ang downhill event naman ay gaganapin sa matarik na Maragondon, Cavite.

Ang lahat ng national skateboar­ders ay inaasahang darating na sa bansa nga­yong linggo galing sa kanilang mga international tournaments habang ang pambatong si Didal naman ay sa Nobyembre 25 pa sakto sa opis-yal na pagbubukas ng Tagaytay Oval.

Nasa ibang bansa pa si Didal at ka­gagaling lang sa Olympic qualifying event sa Rio De Janeiro sa Brazil kung saan siya pumang-10. Kasalukuyang no. 13 ngayon si Didal sa world rankings.

Ayon kay Mendigoria, inaasahan niya ang pagdating ng kanilang mga karibal mula sa Thailand, Myanmar, Malaysia, Indonesia, Singapore at Vietnam sa Nob­yembre 28, tatlong araw bago ang naka-iskedyul na pagsasanay ng lahat ng ska­ters mula Disyembre 1-2 na requirement ng international federation.

Mula Disyembre 3-8 naman gugulong ang skateboarding events na ipapa­kilala rin bilang medal sport sa unang pagkakataon sa darating na 2020 Olympics sa Tokyo, Japan.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with