^

PM Sports

Knights itinadhana ang paghahari

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapalaran talaga ng Letran Knights na makamit ang kanilang ika-18 titulo sa Season 95 NCAA men’s basketball tourna­ment, ayon kay rookie head coach Bon­nie Tan.

Tumapos lamang ang Knights sa ikatlong puwesto (12-6) sa double-round elimination, habang winalis ng 22-time champions na San Beda Red Lions ang elims.

“Playing a team like San Beda, 18-0, defen­ding champion, alam na­ting mahirap pero again walang imposible sabi ko sa mga players,” sabi ni Tan.

“We have a lot of trials during the whole season naman. Lahat ng mga laban sa step­ladder hindi naman ibi­nigay sa atin ng basta-basta. Ang mga panalo noon carried us. Iyong momentum, until this series,” sabi pa ni Tan na naka­mit ang NCAA crown sa unang taon niya bilang head coach.

Kailangan ng Knights na dumaan sa butas ng karayom sa stepladder semis bago makarating sa best-of-three Finals.

Kabilang sa kanilang di­naanan ay ang 85-80 pa­­nalo kontra sa No. 4 San Sebastian Stags sa unang stepladder semis match at sinundan ng 92-88 paggupo sa No. 2 Ly­ceum Pirates sa ikala­wang stepladder semis match.

Matapos talunin ang Red Lions sa Game One, 65-64, nabigo ang Knights sa Red Lions sa Game Two, 76-79, at ma­rami na ang nagduda sa ka­nilang kakayahan na bu­­mangon muli.

“There’s always a reason for everything. Iyon ang sinasabi ko sa mga pla­yers para hindi sila ma-down and madala pa rin ang momentum going to Game Three. Kasi, ‘yung pagkatalo namin sa Game Two maraming nagsasa­bi na hindi na raw ka­mi ma­kakabangon,” ani Tan.

Ngunit pinatunayan ng Knights na mali ang ka­nilang mga ‘doubters’ sa pamamagitan ng 81-79 pa­nalo sa deciding Game Three para putulin ang tatlong sunod na taong pag­hahari ng Red Lions.

“Nakita ko ang maturity ng mga players when we went back sa drawing board sa practice namin. Instead of malungkot and magkagulo sila and si­si­han, nagtatawanan pa sila. Iyon nagkampihan lang ka­mi ng suwerte rin,” wi­ka ni Tan.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with