^

PM Sports

Mayweather ayaw sa rematch kay Pacquiao

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa gitna ng usap-usapang gumugulong ang negosasyon upang matuloy ang rematch nina Manny Pacquiao at Floyd May­wea­ther Jr., muling iginiit ng American undefeated fighter na wala siyang ba­lak bumalik sa ring.

Ito ang inihayag ni May­weather kung saan nais niyang pangalagaan ang kanyang kalusugan kesa muling sumabak sa pagboboksing.

Sinabi niyang isang mapanganib na sport ang boxing.

At hindi na akma na lumaban pa siya sa kanyang edad na 42-anyos.

May mga pagkakataon na kailangan nang magdesisyon kung kailan dapat nang tumigil.

Marami na rin aniya siyang napatunayan kaya’t hindi napapanahon ang pagbabalik niya sa i­ba­baw ng boxing ring.

“I’ve got calls to get back into the ring, but my health is my wealth. Bo­xing is a very, very brutal sport. In the last few years a lot of fighters have died inside that squared circle. You have got to know when to hang it up. I had a great career,” wika ni May­weather.

Gayunpaman ay hindi isinasara ni Mayweather ang kanyang pintuan sa exhibition matches.

Malaki aniya ang kanyang kinikita sa naturang exhibitions.

“I’ll still travel and do exhibitions. I make great mo­ney doing exhibitions - between $10 and $30 million,” ani Mayweather.

Huling sumailalim sa exhibition si Mayweather nang patumbahin niya si Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa noong nakaarang Dis­­yembre sa Japan.

Dahil dito ay posib­leng isantabi muna ng Team Pacquiao ang us­a­pin sa rematch.

Kaya naman bukas na bukas na naman ang listahan sa mga posibleng makalaban ni Pacquiao sa pagdepensa ng World Boxing Association welterweight belt.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with