NCAA title itinakas ng Letran
Francisco Cagape (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napanatili ng Letran Knights ang kanilang komposyur sa krusyal stretch upang itakas ang 81-79 panalo kontra sa San Beda Red Lions kahapon at angkinin ang titulo sa Season 95 NCAA basketball tournament sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.

Lumamang pa ng anim na puntos ang Knights sa triple ni Jerrick Balanza, 79-73 mahigit 1:29 minuto pa ang nalalabi pero pumukol naman ng three-point shot si Evan Nelle para ibaba sa tatlo ang agwat, 76-79.

Ngunit hindi nagpatinag ang Letran sa depensa ng San Beda sa huling minuto para iuwi ang kanilang ika-18 korona sa harap mismo ng 19,876 crowd. Ito rin ang unang korona ng Letran simula noong 2015 sa panahon ni dating head coach Aldin Ayo.

“Sobrang sarap ng feeling kasi sa mga pinagdaanan ko sobrang malupit talaga. Pero hindi ako pinabayaan ng Letran Community. Kaya ito na ngayon ang titulo, at least nakadalawa na ako sa Letran,” sabi ni Balanza tukoy ang dinaranas na brain tumor operation noong nakaraang taon.

Umani ang graduating na si Balanza ng 27 puntos kabilang ang 5-of-8 sa three-point area bukod sa limang rebounds. Si Balanza ay kasama rin sa koponan sa huli nilang kampeonato noong 2015.

Napili si Letran coach Bonnie Tan bilang “Coach of the Year” sa una pa lamang niyang taon sa Knights at si Fran Yu naman ang hinirang na Finals MVP.

Sa 17-6 arangkada nina Balanza, Bonbon Batiller at Larry Muyang naagaw ng Letran ang bentahe, 26-24 pagkatapos ng unang yugto.

Tuluy-tuloy ang hataw ng Knights para palawakin ang kalamangan sa 11 puntos, 37-26, sa lay-up ni Batiller mahigit 6:46 pa ang nalalabi sa ikalawang yugto.

Bumawi naman ang Red Lions sa pamamagitan ng 11-0 run upang muling itabla ang laro, 37-37, sa dalawang free throws ni Evan Nelle pero kumonekta si Ato Ular ng jumper at sinundan ng triple ni Allen Mina para mapanatili ang bentahe, 44-38 sa first half.

Samantala, sa juniors’ division nasungkit ng San Beda Red Cubs ang kanilang ika-23rd titulo matapos tambakan ang Lyceum Junior Pirates, 98-77, sa do-or-die battle ng best-of-three Finals series.

Tumapos si Finals MVP Rhayyan Amsali ng 16 puntos, 11 rebounds, apat na assists at tatlong steals habang si Tony Ynot ay tumulong ng 18 puntos, walong rebounds at apat na assists para mu-ling itakas ang titulo, 2-1.

Tumulong din ng 19 puntos at pitong rebounds si Justine Sanchez upang bumawi sa kanilang 74-79 talo sa Game 2 noong Biyernes.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with