Westbrook,Harden nagbida sa houston
Westbrook,Harden nagbida sa houston
(Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

HOUSTON — Umis-kor si James Harden 36 points, nagtala ng triple double si Russell Westbrook upang ihatid ang Houston Rockets sa kanilang ikawalong sunod na panalo sa paggupo sa Portland, 132-108 nitong Lunes.

Tumapos si Westbrook ng 28-points, 13-rebounds at 10-assists sa kanyang ikatlong triple-double ngayong season at pang-141 sa kanyang career matapos magpahinga sa hu-ling laban ng Houston noong Sabado.

Lumamang ang Rockets ng double di-gits sa halos kabuuan ng laro kung saan nagbalik na ang mga starters na sina Clint Capela at Danuel House back matapos mawala dahil sa injuries.

Nagdagdag si Capela ng season-high 22 points at 20 rebounds para maging unang Rocket na may 20 rebounds sa apat na sunod na laro na huling ginawa ni Hall of Famer Elvin Hayes noong 1971.

Si Hayes ay nasa courtside kasama ang kapwa Hall of Famer na si Hakeem Olajuwon para matunghayan ang big game ni Capela.

Angat ang Houston ng 1, limang minuto na lang ang natitira nang ipasok ni Harden ang 3-pointer para sa 120-99. Kinolekta ni Westbrook ang kanyang 10th assist nang umiskor si Harden ng layup sa huling 3 1/2 minuto ng laro at umupo na sila sa bench kasama si P.J. Tucker pagkatapos nito.

Pinangunahan ni CJ McCollum ang Trail Blazers sa kanyang 25 points sa larong nagtala lamang si Damian Lillard ng 4 of 15 para sa 13 points.

Si Harden na umiskor ng hindi bababa sa 30 points sa walong sunod na laro ay mayroon ding six rebounds, five assists at steal.

JAMES HARDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with