Singapore unang kalaban ng Gilas
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bubuksan ng Gilas Pilipinas ang kampanya nito sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games kontra sa Singapore sa Dis-yembre 4 sa Mall of Asia Arena.

Ito ay ayon sa revised schedule na inilabas ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) kamakalawa para sa SEAG na nakatakda dito sa bansa mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 1.

Sa dating schedule ay Malaysia sana ang unang makakaharap ng Gilas bago ito napalitan ng Singapore.

Nakatakda ang unang laban ng Gilas kontra Singapore sa main game ng Group A sa alas-8:15 ng gabi.

Magkakaroon ng pahinga ang Nationals sa kinabukasan, Disyembre 5, bago sumalang kontra sa Vietnam at sa Myanmar sa Disyembre 6 at 7, ayon sa pagkakasunod.

Nakatakda rin ang parehong laban sa alas-8:15 ng gabi.

Nalipat naman ang Malaysia sa Group B ng biennial meet kasama ang Cambodia, 2017 SEAG bronze medalist Thailand at runner-up na Indonesia.

Maglalaban ang lahat ng koponan sa single-round robin at ang top two teams ng kada-grupo ay aabante na agad sa knockout semifinals

Sa gabay ni head coach Tim Cone at sa likod ng all-PBA pro-squad, paborito ang RP team na madepensahan ang titulo sa SEAG basketball.

Hangad ng Nationals ang ika-18 titulo nito mula sa 20 edisyon ng bien-nial sports event upang mapanatili ang paghahari sa rehiyon ng Southeast Asia.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with