Twice-to-beat puntirya ng Talk ‘N Text
Chris Co (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Talk ‘N Text na maipormalisa ang pagkopo sa twice-to-beat card sa quarterfinals sa pagsagupa nito sa San Miguel Beer sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup ngayong araw sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Katropa at Beermen sa alas-7 ng gabi habang magkukrus ang landas ng Alaska at NLEX sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon.

Nakahimpil ang TNT sa No. 3 spot tangan ang 7-3 habang nasa No. 4 ang Barangay Ginebra na may 7-4 marka at No. 5 ang SMB tangan ang 6-4 panalo-talo.

Ayaw na ng Katropa na maging kumplikado pa ang sitwasyon nito kaya’t inaasahang ibubuhos na nito ang lahat para masiguro ang twice-to-beat sa quarterfinals.

Kailangang kumayod ng husto si import KJ McDaniels katuwang ang mga local players gaya ni Bobby Ray Parks.

Nagtala si McDa-niels ng 33 points at 15 rebounds habang may 21 markers naman si Parks sa kanilang huling laro noong Sabado sa Davao City.

Galing ang Katropa sa tatlong sunod na kabiguan sa NLEX (113-126), Barangay Ginebra (93-96) at Magnolia (93-100).

At muling daraan sa matinding pagsubok ang TNT dahil desidido rin ang SMB na makuha ang panalo para sa insentibo.

Tahimik ang kampo ng Beermen matapos ang suntukang naganap sa training ng tropa noong Linggo sa Upper Deck court sa Pasig City.

Nasangkot sa gulo sina Ronald Tubid, Arwind Santos, Kelly Nabong at dating import Dez Wells na pinalitan na ni John Holland.

PBA GOVERNORS CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with