Philippines gymnasts naka-2-golds
Chris Co (Pang-masa) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humataw ang Philippine women’s rhythmic gymnastics team ng tumataginting na dalawang gintong medalya sa Liptov Cup 2019 na ginanap sa Liptovsky, Slovakia.

Muling nagpakitang-gilas ang 13-anyos Butuan City pride na si Breanna Labadan nang makuha nito ang gintong medalya sa junior individual all-around category.

Sa kabuuan ng kanyang European trip, kumana si Labadan ng tatlong ginto.

Nakasiguro rin ito ng ginto sa parehong dibis-yon sa Hungary at Denmark.

Nagpasiklab din si Daniela Reggie dela Pisa na pambato ng Cebu City matapos manguna sa senior individual all-around title.

Umani rin ng gintong medalya si dela Pisa sa Denmark ngunit pumanglima lamang ito sa Hungary.

Magandang produksiyonnito para kay dela Pisa na sasabak sa 2019 Southeast Asian Games gymnastics competitions.

Target ni dela Pisa na makasungkit ng gintong medalya sa SEA Games na magsisimula sa Dis-yembre 1 at matatapos sa Disyembre 9 sa Rizal Memorial Coliseum.

Makakasama ni dela Pisa sa kampanya ang national team na babanderahan ni world champion Carlos Edriel Yulo.

Pakay ni Yulo na walisin ang pitong gintong medalyang nakataya sa men’s artistic gymnastics.

Mataas ang morale ni Yulo matapos magkampeon sa prestihiyosong 49th FIG World Artistic Gymnastics sa Stuttgart, Germany kamakailan.

Kasalukuyang nagsasanay sa Tokyo, Japan si Yulo.

Nakatakda itong bumalik sa bansa para sa SEA Games.

LIPTOV CUP 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with