Blazers dinispatsa ang spurs ni duncan
(Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

George bumida sa 150-101 pagdurog ng Clippers sa Hawks

SAN ANTONIO -- Nagbalik sa kanyang pa­giging lider si NBA le­gend Tim Duncan para sa Spurs.

Ngunit sa huli ay hin­di niya naibigay ang produksyon na dating na­kukuha sa kanya ng San Antonio.

Humataw si CJ McCollum ng 32 points pa­ra banderahan ang Portland Trail Blazers sa 121-116 paggupo sa Spurs para idiskaril ang unang pag-upo ni Duncan bilang acting coach.

Nagdagdag si Da­mian Lillard ng 22 points at may 12 mar­kers si center Hassan Whiteside para sa Portland na bumangon mula sa 15-point deficit sa fourth quarter at tapusin ang kanilang four-game losing skid sa San Anto­nio.

Sinalo ni Duncan ang naiwang trabaho ni head coach Gregg Popovich na napatalsik sa third quarter.

Ito ang unang season ni Duncan bilang assistant coach ng San Antonio.

Tinanong si Popo­vich kung ikinunsidera niyang pumalit sa kanya si Becky Hammon para gumawa ng kasaysayan bilang unang female coach na gumiya sa isang NBA team.

“I’m not here to make history,” sagot ni Po­povich.

Humakot si center La­Marcus Aldridge ng 30 points at 13 rebounds para sa Spurs, nalasap ang pang-limang sunod na kamalasan.

Sa Los Angeles, nagpasabog si Paul George ng 37 points sa kanyang Clippers home debut at nagdagdag si Lou Williams ng 25 markers pa­ra durugin ang Atlanta Hawks, 150-101.

Nagsalpak si George ng anim na triples at kumonekta ng 11-of-11 clip sa free throw line para sa Nets.

Hindi naglaro si Ka­whi Leonard (left knee contusion).

Sa Dallas, kumolekta si guard Luka Doncic ng 26 points, 15 rebounds at 7 assists para pamu­nuan ang Mavericks sa 110-102 paggiba sa Toronto Raptors.

Humakot naman si big man Kristaps Por­zingis ng 20 points at 15 rebounds para sa pag­bangon ng Dallas sa dalawang sunod na ka­biguan.

Nagdagdag naman si­na guard Seth Curry at dating Raptor Delon Wright ng tig-15 points para sa Mave­ricks, habang may tig-10 mar­kers sina Maxi Kleber at Dorian Finney-Smith.

Binanderahan ni Nor­mal Powell ang Rap­tors mula sa kanyang season-best na 26 points kasunod ang 24 mar­kers ni Fred Van Vleet, habang nagtala si Pascal Siakam ng 15 points at 7 assists.

Sa Minneapolis, iti­nala ni James Harden ang kanyang pang-li­mang 40-plus point sco­ring effort sa seven-game winning streak ng Houston Rockets matapos kumamada ng 49 points sa kanilang 125-105 pagdaig sa Minnesota Timberwolves.

Nag-ambag si Ben McLemore ng 20 points kasama ang dalawang free throws sa hu­ling 1:29 minuto ng third quarter na nagbigay sa Rockets ng 89-79 kalamangan.

Sa New Orleans, humataw si rookie Kendrick Nunn ng 22 points para ihatid ang Miami Heat sa 109-94 pagdaig sa Pelicans.

Nagposte si big man Bam Adebayo ng 18 points at 14 rebounds, ha­bang tumapos si Jimmy Butler na may 16 points at 13 assists at nag­dagdag sina Dun­can Robinson, Kelly Olynyk at Ty­ler Herro ng 15, 13 at 12 markers, ayon sa pag­kakasunod.

Pinamunuan ni roo­kie Nickeil Alexander-Walker ang Pelicans sa kanyang 27 points.

BLAZERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with