^
Clippers giba sa Pelicans

Clippers giba sa Pelicans

(Pang-masa) - November 16, 2019 - 12:00am

NEW ORLEANS -- Nagpasabog si Jrue Holiday ng 36 points at tatlong beses inagawan ng bola si Paul George sa dulo ng fourth period para tulu-ngan ang Pelicans sa 132-127 paggiba laban sa Los Angeles Clippers.

Nagdagdag si J.J. Reddick ng 19 at isinalpak ang dalawang free throws sa huling 11.4 segundo para sa ikatlong panalo ng New Orleans sa 11 laro ngayong season.

Ito naman ang season debut ni George para sa Clippers matapos sumailalim sa shoulder surgery.

Nagposte si George ng 33 points sa loob ng 24 minuto para sa Los Angeles, hindi pinag-laro si Kawhi Leonard (namamagang tuhod).

Sa Milwaukee, kumamada si Giannis Antetokounmpo ng 38 points at 15 rebounds at nagdagdag si Eric Bledsoe ng season-high na 31 points para sa 124-115 panalo ng Bucks kontra sa Chicago Bullls.

Sinapawan ng Milwaukee ang pagtatala ng kasaysayan ni Chicago rookie Coby White.

Tumipa ang 19-an-yos na si White ng 5-of-8 shooting sa three-point range sa first half para maging pinakabatang player sa NBA history na kumonekta ng limang triple sa limang sunod na laro.

Tumapos si White na may team-high na 26 points kasama ang anim na tres.

Sa Cleveland, humataw si rookie Kendrick Nunn ng 23 points at naglista si Bam Adebayo ng 16 points at 15 rebounds para igiya ang Miami Heat sa 108-97 pagdaig sa Cavaliers.

Pinamunuan ni Ke-vin Love ang Cleveland mula sa kanyang 21 points at 10 rebounds, habang may 15 markers si Collin Sexton.

Sa New York, kumonekta si forward Marcus Morris ng tiebreaking triple sa huling 13 segundo para itakas ang Knicks laban sa Dallas Mavericks, 106-103.

Tinapos ni Morris ang laro na may 20 points at nagtala si Julius Randle ng 17 points at 10 rebounds para sa ikatlong panalo ng New York sa 12 laban.

Humakot naman si Kristaps Porzingis ng 20 points at 11 rebounds sa panig ng Dallas, nakahugot kay Luka Doncic ng 33 points, 11 assists at 10 rebounds para sa kanyang pang-limang triple-double sa season.

PELICANS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with