Lakers wagi sa warriors
(Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

LOS ANGELES – Kumamada si LeBron James ng 23 points at 12 assists sa tatlong yugto at nagdagdag si Kyle Kuzma ng 22 points para sa 120-94 panalo ng Lakers laban sa Golden State Warriors.

Itinaas ng Lakers ang kanilang NBA-best record sa 9-2 bagama’t hindi naglaro si Anthony Davis na namamaga ang kanang balikat.

Nagdagdag naman si center JaVale McGee ng 18 points at 17 rebounds.

Pinangunahan naman ni dating Los Angeles guard Laker D’Angelo Russell ang Golden State sa kanyang 21 points.

Ito ang pang-limang dikit na kamalasan ng Warriors (2-10) na naglaro nang wala sina injured stars Stephen Curry at Klay Thompson.

Sa Portland, nagpasabog si Pascal Siakam ng 36 points at may 30 markers si guard Fred VanVleet para sa 114-106 paggupo ng Toronto Raptors sa Trail Blazers.

Hinugot ni Siakam ang 13 points sa fourth quarter para ibangon ang Toronto mula sa naunang pagkatalo sa Los Angeles Clippers.

Pinangunahan ni Rodney Hood ang Portland sa kanyang 25 points.

Sa Houston, tumipa si James Harden ng 47 points at nalampasan ng Rockets ang Clippers, 102-93 sa laro kung saan nasibak si head coach Doc Rivers sa fourth quarter.

Bitbit ng Houston ang two-point lead sa huling dalawang minuto ng fourth period nang ma-foul out si Los Angeles guard Patrick Beverley.

Tumipa si Harden ng dalawang free throws kasunod ang pagdakma sa isang rebound at kumonekta ng three-point shot para iwanan ang Clippers sa 95-88.

Naagaw ni Harden ang bola kay Kawhi Leonard sa posesyon ng Los Angeles at isinalpak ni Tyson Chandler ang kanyang reverse dunk sa huling 37 segundo para sa 100-91 bentahe ng Houston.

Sa Boston, umiskor si Kemba Walker ng 25 points at diniskaril ng Celtics ang tinipang 44 points ni Bradley Beal para talunin ang Washington Wizards, 140-133.

Ito ang pangsiyam na sunod na ratsada ng Boston.

Nag-ambag si Jayson Tatum ng 23 points para sa Celtics habang may 22 at 13 markers sina Jaylen Brown at Enes Kante, ayon sa pagkakasunod.

ANTHONY DAVIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with