Nadale si Jeron Teng
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kasabay ng pag-angat ng Alaska upang mapanatiling buhay ang playoff chance nito sa umiinit na 2019 PBA Governors’ Cup ay ang pagbagsak naman ng isang mahalagang manlalaro nito.

Nadale si rising star Jeron Teng ng knee injury kamakalawa ng gabi sa 105-102 panalo ng Aces kontra Phoenix na siyang nagsilbing masamang balita sa three-game winning streak ng mga Alas.

Umaasa ang Alaska na hindi malala ang injury ni Teng na hindi na natapos ang naturang laro bagama’t nagtala ng 17 puntos at walong rebounds.

Natamo ni Teng ang naturang injury nang makabanggaan si Justin Chua ng Fuel Masters tungo sa kanyang pagbagsak at pagdiretso sa locker room. Sasailalim sa MRI si Teng upang malaman ang eksaktong injury na pinapanalangin ng Aces na hyperextension lamang at hindi anumang major injury.

Kababalik lang ni Teng ngayong conference matapos hindi makapaglaro sa unang limang laban ng Alaska na nagresulta lahat sa pagkatalo bunsod ng hamstring injury.

Buhat ng kanyang pagbalik, naipanalo na ng Alaska ang apat sa huling limang laro nito upang umangat sa 4-6 baraha at makapasok sa playoff picture ng season-ending conference, isang laro nalang ang natitira sa elimination round.

Nagrerehistro si Teng ng 15.0 puntos, 7.8 rebounds at 3.0 assists sa limang laro para sa Aces ngayong Governors’ Cup.

Kung sakaling hindi malala ang injury, inaasahan ang malaking tulong ulit ni Teng sa krusyal na laban ng Aces kontra sa lider na NLEX sa Nobyembre 20.

2019 PBA GOVERNORS’ CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with