Gusto nang tapusin ng Letran KNights
Francisco Cagape (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ng No. 3 seed Letran Knights na tapusin na ang serye habang asam naman ng three-peat champion San Beda Red Lions na hihirit pa ng do-or-die game sa kanilang paghaharap ngayon sa Game 2 ng best-of-three Finals series ng Season 95 NCAA basketball tournament sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City.

Tangan ng Knights ang 1-0 bentahe sa serye matapos ang kanilang 65-64 panalo sa Game 1 noong Martes na lalong nagpalakas sa tiwala at determinasyon ng 17-time champion Letran kaya tiyak ang down-the-wire battle sa kanilang pagtatagpo sa alas-4 ng hapon.

Sa junior’s division, hangad naman ng San Beda Red Cubs na itakas ang kanilang ika-23rd titulo sa pagtatagpo laban sa Lyceum Junior Pirates sa ala-1 ng hapon. Nagwagi ang 22-time champion Red Cubs sa Game 1 (94-80) noong Martes din.

Dahil sa kanilang talo, gusto ng Red Lions na gumanti sa kanilang kauna-unahang talo sa Finals sa nakalipas na apat na taon at nagkataon na sa mga kamay pa ng karibal na Knights kung saan natalo sila sa serye, 1-2, noong Oktubre 29, 2015.

Inaasahan din na muling ipapakita ng Letran ang mahigpit na depensa na siyang naging gabay sa kanilang panalo sa Game 1 para putulin na ang mahabang 32-game winning streak ng San Beda kabilang na ang 14 sa nakalipas na taon at 18 sa season na ito.

Tiyak ding gagawa ng adjustments si head coach Boyet Fernandez sa kanilang opensa at depensa para iwasan ang nangyayari sa krusyal stretch ng Game 1 kung saan lumamang pa ang Red Lions, 60-56 ngunit hindi nila napigilan ang 7-0 run nina Fran Yu at Jerrick Balanza ng Letran na siyang dahilan sa pagbagsak sa depensa ng Mendiola-based team.

“The problem was we were not able to convert from the three-point area. We were No. 1 team in this department until in the Finals, but it left us in Game 1. This serves as a lesson for us. We are looking forward to having a fresh mind and being ready on Friday,”pahayag ni coach Fernandez.

Tukoy ni multi-titled coach Fernandez ang kanilang mababang 15 porsyento shooting sa three-point zone sa 6-of-40 attempts. Ang Red Lions ay nangunguna sa three-point shooting sa averaged na 9.5 triples kada- laro at 33.2 percent conversion sa elimination round.

“We missed a lot of shots sa three-point area. ‘Yun talaga ang naging problema namin. We shot a lot of them, pero anim lamang ang pumasok,” sabi naman ni MVP candidate Calvin Oftana.

BASKETBALL NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with