Ginebra asam ang twice-to-beat
Russell Cadayona (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang dramatikong 99-96 overtime win laban sa TNT Katropa ang kinakailangan ng Barangay Ginebra para paghandaan ang quarterfinal round.

Sinabi ni veteran point guard LA Tenorio na magagamit nila ang nasabing eksperyensa pagdating ng playoffs.

“Iyong ganitong mga grind-out game, we don’t need blowout game kasi parang wala kaming matututunan,” wika ng 37-anyos na si Tenorio.

“Iyong ganitong klase ng game ang kailangan namin sa playoffs.” Target mapalapit sa pagkopo sa twice-to-beat’ incentive, lalabanan ng Gin Kings ang Columbian Dyip ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pagtatapat ng mga sibak nang Phoenix Fuel Masters at Blackwater Elite sa alas-4:30 ng hapon sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ang nasabing panalo ng Ginebra sa TNT Katropa ang nagpasok sa kanila sa eight-team quarterfinal round.

Sa quarterfinals ay magbibitbit ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod.

Bukod kay Tenorio, muli ring aasa ang Gin Kings kina import Justin Brownlee, Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Arthur Dela Cruz.

Sina reinforcement Khapri Alston, No. 1 overall pick CJ Perez, Rashawn McCarthy, Jackson Corpuz at Reden Celda ang muli namang sasandigan ng Dyip.

Humataw  si Perez ng mga averages na 23.6 points, 7.9 rebounds, 3.6 assists at 2.4 steals sa pitong laro ng Columbian noong Oktubre.

Nagmula ang Dyip sa 74-92 pagyukod sa Meralco Bolts at 103-118 kabiguan sa nagdedepensang Magnolia Hotshots sa kanilang huling dalawang laban.

Samantala, mag-iiwasan naman ang Phoenix at Blackwater na mahulog sa pinakailalim ng team standings sa huli nilang mga laro.

“Siyempre, it would be nice to end your campaign on a winning note at isa pa we owe it to our fans and management to still give our best kahit last game na namin ito for the year,” wika ni Fuel Masters coach Louie Alas.

LA TENORIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with