Gagawan ng paraan ang mga SEAG venues sa Rizal Memorial
Chris Co (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) ng contingency plan sakaling hindi matapos ang mga venues sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Mahigit dalawang linggo na lamang ang nalalabi ngunit hindi pa tapos ang mga venues sa RMSC.

Tiniyak naman ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez na aabot sa deadline ang pagtapos ng mga venues.

Nagtatrabaho na ng 24 oras ang mahigit 250 cons­truction workers para makumpleto ang pagsasaayos sa mga venues.

Nakatakdang laruin sa Ninoy Aquino Stadium ang taekwondo at weightlifting habang ang ibang football ay idaraos sa Rizal Memorial Football Stadium.

Sa RMSC rin ang lawn tennis, soft tennis, squash at gymnastics.

Sakaling hindi ito matapos, may mga venues nang inihahanda ang Phisgoc na posibleng pagdausan ng mga tatamaang sports.

Maliban sa venues, siniguro rin ni Ramirez ang seguridad sa paligid ng RMSC.

Hindi rin magiging problema ang trapiko dahil nagsuspinde na ng pasok ang ilang unibersidad sa paligid nito gaya ng De La Salle University at College of Saint Benilde na nasa katabi lamang ng RMSC.

Magpapakalat din ang Philippine National Police ng daang tauhan para masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga dadalo sa SEA Games.

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with