Coach Ayo may bagong achievement
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

May panibagong achievement si coach Aldin Ayo sa paggiya sa UST Tigers sa 2019 UAAP Finals simula sa ilalim ng stepladder semifinals bilang fourth-ranked team.

Pagkatapos manalo ng tatlong sunod na do-or-die matches, haharapin ngayon ni Ayo at ng kanyang mga Tigers ang unbeaten top seed Ateneo sa best-of-three finals simula bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi lihim na nahati ang UST community sa pagpasok ni Ayo sa koponan bilang kapalit ni Boy Sablan noong UAAP Season 81.

May grupong asar sa estilo ni Ayo; hindi gusto ang kanyang guts. Mayabang daw si Ayo. Nakatsamba lang daw si Ayo. Syempre, ang mga Thomasians ay kapwa Thomasian ang gustong humawak ng USTe.

Pero malamang na magbuklod ang USTe ngayong balik sila sa finale.

Muling maghaharap sa coaching showdown si Ayo at Tab Baldwin na in-split ang kanilang back-to-back title showdowns noong 2016-17. Hinugot ni Ayo ang titulo para sa La Salle noong una nilang salpukan at bumawi si Baldwin para sa Ateneo noong sumunod na taon. I-be-break nila ang deadlock sa Season 82 finals.

Kung masilat ang top seed, mapapaganda pa lalo ni Ayo ang kanyang resume na markado ng tig-isang championship sa NCAA at UAAP sa kabataang edad sa coaching business.

Nagsimula siya sa c­oaching sa kanyang hometown sa Sorsogon matapos ang kanyang playing years sa Letran Knights.

At simula siyang napansin nang sumali siya sa Nike Elite Basketball Camp, National Basketball Training Center at Alaska Jr. NBA Camp.

Doon siya nakita at naimbitahan na mapasama sa coaching staff ng original Kia team sa PBA. At ang sabi nga, the rest is history.

ALDIN AYO UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with