Philippines fencing SEAG team masusubukan sa Taipei Open
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bago sumabak sa 30th Southeast Asian (SEA) Games, masusubok muna ang tatag at kahandaan ng Philippine fencing national team sa pagsalang nito sa 2019 Taipei Fencing Open Tournament na magsisi-mula ngayong araw hanggang sa Nobyembre 17.

Ito ang Final test event ng pambansang koponan bago ang pinakahihintay na kampanya sa regional biennial meet na gaganapin sa bansa ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Para kay 2017 SEA Games silver medalist Samantha Catantan, isang magandang pagkakataon ang torneong ito para patunayan sa lahat na kaya niyang mu-ling manaig sa mga kalaban nito.

“Kailangan kong patunayan na kaya ko silang talunin kahit paulit-ulit pa nila akong kalabanin,” sabi ni Catantan na kamakailan lang ay naibulsa ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa women’s foil event ng 2019 Asian U-23 Fencing Championship sa Bangkok, Thailand.

Naging malaking bagay din para kay Catantan na nakapagsanay ang buong koponan ng higit isang buwan sa South Korea kung saan magagamit nila ang kanilang mga natutuhan mula rito.

“Tapos ‘yung skills and techniques, marami po kaming natutuhan sa kanila bukod sa speed and power. From 70 percent feel ko po ng 98 percent po ako eh,” dagdag niya.

Makakasama niya rin sa women’s team sina Hanniel Abella Mickyle Bustos, Anna Guinto at Harlene Raguin ng women’s Epee team; Maxine Esteban, Wilhelmina Lozada at Justine Tinio ng Foil team; at sina Kimberly Camahalan, Allaine Cortey, Queenie Dalmacio at Jylyn Nicanor ng Sabre team.

Sina Lee Eigran Ergina, Noelito Jose Jr., Darryl Lumahan, Reynaldo Perez, Jr., Shawn Nicollei Felipe, Michael Nicanor, Nathaniel Perez, Jaime Viceo V, Eric Brando, Christian Concepcion, Donnie Arth Navarro at Daniel Villanueva sa men’s Epee, Foil at Sabre team.

Sa Disyembre 1-6 ang fencing event sa Hall B at C ng World Trade Centre sa Pasay City.

SOUTHEAST ASIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with