Lakers inilubog ang Suns
(Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

PHOENIX – Humakot si Anthony Davis ng 24 points at 12 rebounds habang may 23 markers si Kyle Kuzma para pamunuan ang Los Angeles Lakers sa 123-115 pagpapalubog sa Suns.

May 8-2 record, nasa kanilang best 10-game start ang Lakers simula noong 2010 at nakabawi sa home loss sa Toronto Raptors noong Linggo.

Tumapos si LeBron James na may 19 points, 11 assists at 7 rebounds para sa Los Angeles.

Binanderahan nina Devin Booker at Ricky Rubio ang Phoenix sa kanilang tig-21 points kasunod ang 20 at 18 markers nina Aron Baynes at Dario Saric.

Sa Miami, kumamada si Jimmy Butler ng 11 sa kanyang 20 points sa final canto at naglista ng 13 assists para pangunahan ang 117-108 panalo ng Heat laban sa Detroit Pistons.

Muntikang masayang ang 29-point lead ng Miami, nakahugot din kay Kendrick Nunn ng 20 markers habang may tig-18 points sina Bam Adebayo at Goran Dragic.

Sa Chicago, nagsalpak si rookie guard Coby White ng franchise-record na pitong 3-pointers sa fourth quarter at nakawala ang Bulls para talunin ang New York Knicks, 120-102.

Naimintis ni White ang una niyang limang tira bago nag-init sa final period sa harap ng United Center crowd kabilang si Roy Williams, ang kanyang coach sa University of North Carolina.

Tumipa si White ng tatlong sunod na triple sa 24-2 atake ng Bulls para kunin ang 109-89 abante sa 5:51 minuto ng fourth period at lalo pang ibinaon ang Knicks sa 120-100 bago ipahinga sa huling 1:31 minuto.

Sa Denver, umiskor si guard Trae Young ng 15 sa kanyang season-high na 42 points sa fourth quarter at nagtala ng 11 assists para ihatid ang Atlanta Hawks sa 125-121 pana-naig laban sa Nuggets.

Nagsalpak si Young ng 8-for-13 shooting sa three-point line para sa Atlanta.

Kumolekta naman si Jabari Parker ng 20 points at 9 rebounds at may 17 markers si Alex Len para sa Hawks.

Pinamunuan ni Will Barton ang Denver sa kanyang 21 points kasunod ang 20 at 19 markers nina Nikola Jokic at Paul Millsap, ayon sa pagkakasunod.

Tinapos ng Hawks ang three-game winning streak ng Nuggets.

ANTHONY DAVIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with