SMB-alab roster kumpleto na
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumpleto na ang roster ng San Miguel-Alab Pilipinas para sa pagbubukas ng 2019-2020 ASEAN Basketball League (ABL) ngayong Sabado.

Inanunsyo ito ng Alab kahapon, ilang araw bago ang kanilang hangaring mabawi ang korona sa pag-larga ng ABL sa Nobyembre 16.

Ang dating manlalaro ng NU Bulldogs na si Tzaddy Rangel ang kumumpleto sa line-up ng Alab na gagabayan ni head coach Jimmy Alapag.

Makakasama niya ang bagong-bihis na Alab na maglalaro sa unang pagkakataon na wala na ang three-time MVP na si Bobby Ray Parks Jr. at resident import na si Renaldo Balkman.

Umakyat na sa PBA si Parks Jr. habang umuwi ng Puerto Rico si Balkman para asikasuhin ang pamilya.

Ngayong wala na ang dalawang pundasyon ng Alab, naatasang mamuno sa koponan sina Jason Brickman at Jeremiah Gray kasama ang iba pang bagong players na sina Andrei Caracut, Louei Vigil, Jordan Heading at Aaron Aban.

Nakatakdang bumandera sa kanila ang tatlong world imports na sina Adrian Forbes, Khalif Wyatt at Nick King na siyang pumalit kay Balkman, kasama ang holdovers na sina Brandon Rosser at Lawrence Domingo.

Bagama’t bagong-bihis na koponan, maganda ang ipinapamalas ng Alab nang talunin nito ang Gilas Pilipinas kamakalawa, 93-89 upang maiganti ang kanilang 95-98 kabiguan sa kanilang unang tune-up noong nakaraang linggo.

Dahil dito, kampante si Alapag na assistant coach din ni Tim Cone sa Gilas Pilipinas na mababawi ng Philippine bet ang ABL throne matapos matanggal agad sa quarterfinals noong nakaraang season bilang defending champion.

Bagamat magbubukas na sa Sabado ang ABL, sa Linggo pa sasalang ang Alab sa pagdayo nito sa Bangkok, Thailand upang harapin ang dating koponan ni Brickman na Mono Vampire.

ASEAN BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with