Naghanap ng butas si Kawhi Leonard ng Clippers para makawala kay Rondae Hollis-Jefferson ng Raptors.
Clippers tinalo ang Raptors; Rockets giniba ang Pelicans
(Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

LOS ANGELES – Matapos igiya ang Toronto Raptors sa kanilang kauna-unahang NBA cham­pionship ay ibang koponan naman ngayon ang bi­nigyan ng panalo ni Kawhi Leonard.

Kumolekta si Leonard ng 12 points, 11 rebounds at 9 assists, habang humataw si guard Lou Williams ng 21 markers para ihatid ang Clippers sa 98-88 panalo kontra sa Raptors.

Tumapak si Leonard sa court kasama ang mga dating Toronto teammates na sina Pascal Siakam at Fred VanVleet sa unang pagkakataon matapos magkampeon noong Hunyo 13.

“Definitely. I got to know the guys inside and out, on and off the court,” sabi ni Leonard sa kanyang mga dating kakampi. “We had fun, it was fun to compete against them tonight.”

Binanderahan ni Siakam ang Raptors (7-3) mu­la sa kanyang 16 points at 10 rebounds, habang may 15 at 10 markers sina Norman Powell at VanVleet, ayon sa pagkakasunod.

Sa New Orleans, nagpasabog si James Harden ng 39 points, kasama dito ang solo niyang 13-0 ratsada sa fourth quarter, para pangunahan ang Houston Rockets (7-3) sa 122-116 pagpapatumba sa Pelicans (2-8).

Nagposte si Russell Westbrook ng 26 points at nagdagdag si Clint Capela ng 11 points at 20 rebounds para sa ikaapat na sunod na pananalasa ng Rockets.

Pinamunuan naman ni veteran guard JJ Redick ang Pelicans mula sa kanyang 24 points kasunod ang 19 markers ni Josh Hart.

Sa San Antonio, umiskor si Jaren Jackson Jr. ng 24 points at inistorbo ng Memphis Grizzlies (3-7) ang jersey retirement ni Tony Parker sa 113-109 pagdaig sa Spurs (5-5).

Nagdagdag si Dillon Brooks ng 21 points at hu­makot si Jonas Valanciunas ng 18 points at 12 re­bounds para sa Grizzlies.

Itinaas ang uniporme ni Parker sa rafters sa ha­­nay nina ‘Big Three’ members Tim Duncan at Manu Ginobili.

Iginiya nina Parker, Duncan at Ginobili ang San Antonio sa apat sa kanilang limang kampeo­nato at may most wins (541) sa sinumang tatlong players sa league history.

Pinamunuan ni center LaMarcus Aldridge ang Spurs mula sa kanyang 19 points kasunod ang 18 at 12 mar­kers nina Rudy Gay at DeRozan, ayon sa pagkakasunod.

Sa San Francisco, kumolekta si center Rudy Go­­bert ng 25 points at 14 rebounds para pamunuan ang Utah Jazz (7-3) sa 122-108 paggupo sa bumubulusok na Golden State Warriors (2-9).

Nag-ambag si star guard Donovan Mitchell ng 23 points at may 22 markers si Mike Conley para sa tagum­pay ng Jazz.

Nahulog naman ang Warriors, ang two-time NBA kings, sa kanilang pi­nakamasamang marka.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with