Hinarangan ni Christian Balagasay ng Knights si Red Lions guard James Kwekuteye.
Joey Mendoza
Knights lumapit sa titulo
Francisco Cagape (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

Tinakasan ang Red Lions sa game one ng finals

MANILA, Philippines — Pinutol ng Letran Knights ang 18-game winning streak ng ‘three-peat’ champions na San Be­da Red Lions, 65-64, pa­ra sa 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three cham­pionship series ng Season 95 NCAA men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Naging epektibo ang adjustments ng Letran sa depensa tungo sa mala­king panalo at tapusin ang 32-game winning run ng San Beda kabilang na ang 14 sa nakaraang season.

Humakot si Fran Yu ng 10 points, 6 assists, 3 rebounds at 3 steals para sa paglusot ng Knights laban sa 22-time champions na Red Lions.

“Oras na namin. Na­ku­kuha na namin ang mga shots namin, kaya ma­ganda ang nilalaro ng buong koponan,” sabi ni Yu.

Hangad ng Letran ni coach Bonnie Tan na sungkitin ang kanilang ika-18 titulo sa Game Two sa Biyernes sa parehong venue.

“Nag-adjust kami sa zone defense at hinigpitan pang lalo ang depensa la­ban sa kanilang top gunners,” ani Tan na uma­­bot sa Finals sa unang season pa lamang niya bilang coach ng Knights.

Napigilan ng Letran ang San Beda na lumayo sa first half.

Mula sa triple ni Jeo Ambohot at basket ni Larry Muyay lumamang ang Knights sa 22-18 bago na­bawi nina Evan Nelle at James Kwekuteye ang 32-28 bentahe ng Red Lions.

Bukod kay Yu, umiskor din ng 12 points si Bon­bon Batiller at may 10 markers si Jerrick Balanza para sa Letran.

Sa juniors’ division, lu­mapit ang San Beda Red Cubs sa kanilang ika-23 titulo matapos padapain ang Lyceum Junior Pirates, 94-80, sa Game One ng best-of-three series.

Tumipa si Tony Ynot ng 16 points, 5 rebounds, 2 assists at 2 steals.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with