Gilas yumukod sa SMB-Alab sa tune-up game
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalasap ng Gilas Pili­pi­nas ang una nitong kabiguan sa practice games sa kamay ng San Miguel-Alab Pilipinas, 93-89, sa M­eralco Gym sa Ortigas, kamakalawa ng gabi.

Nagpasiklab kaagad pa­ra sa Alab ang bagong import na si Nick King nang magtala ng 23 points at mayroon namang 16 at 15 markers sina Adrian For­bes at Khalif Wyatt, ayon sa pagkakasunod.

Kararating lamang sa bansa ni King na siyang pumalit kay resident Alab import Renaldo Balkman na kinailangang umuwi sa Puerto Rico dahil sa ‘fa­mi­ly matters’.

Matamis na paghihi­ganti ito para sa Alab ni head coach Jim­my Alapag matapos ka­pusin sa Gilas, 95-98, noong nakaraang Lu­nes.

Bahagi ang dalawang tune-up games ng paghahanda ng Alab para sa na­lalapit na kampanya sa 2019-2020 ASEAN Basketball League (ABL) na magbubukas sa Sabado.

Unang makakaharap ng Alab ang Mono Vam­pire ng Thailand sa Bangkok sa Nobyembre 17.

Para naman sa Gilas, bigo itong mawalis ang Alab nang indahin nila ang hindi paglalaro nina big men Troy Rosario at Greg Slaughter.

May iniindang slight ankle injury si Rosario, ha­bang may thumb injury na­man si Slaughter.

Sa pagkawala ng dala­wa ay muling inako nina RR Pogoy at June Mar Fa­jardo ang kargada para sa Nationals sa kanilang 14 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sina Pogoy at Fajardo ang bumida sa dikit na panalo ng Gilas kontra sa Alab noong nakaraang linggo.

Sunod na makakala­ban ng Gilas ang bisitang Taiwanese ball club sa Lu­nes bilang huling laro nila bago ang 30th Southeast Asian Games.

Bahagi ang mga pag­hahandang ito ng Natio­nals para sa hangaring ma­idepensahan ang koro­na sa SEA Games na pama­ma­halaan ng bansa.

ASEAN BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with