^

PM Sports

Maraño nanghinayang sa pagkawala ni Mau

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para kay Philippine women’s national volleyball team team captain Aby Maraño, napakalaking kawalan para sa tropa ang pagkawala ni Fil-Ame­rican skipper Kalei Mau.

Hindi na makakapaglaro para sa Pilipinas si Mau sa darating na 30th Southeast Asian Games dahil sa residency issue.

Ayon sa rule ng International Federation of Volleyball (FIVB) at ng Asian Volleyball Confederation (AVC), dapat nasa dalawang taon na naglalaro sa mother federation ang isang player bago sumabak sa SEA Games at Olympics.

Pero sa kaso ni Mau ay higit isang taon pa lamang siyang naglalaro sa Philippine Superliga ka­­ya hindi siya eligible para maglaro sa bansa sa re­gional biennial sporting event.

“Napakalaking kawalan na mawawala si Kalei ka­si alam naman natin kung ano ang kaya niyang ibigay sa team. Mayroon siyang magandang skills,” wika ni Maraño. “Plus nandoon din ‘yung leadership, ‘yung fire inside the court. So broken hearted talaga ang feeling na wala si Kalei.”

Inamin din ni Maraño na malungkot sila dahil hindi na nila makakasamang maglaro si Mau sa 2019 SEA Games pero hindi sila dapat mawalan ng pag-asa sa pagkawala ng isa mga ace player ni­la bagkus ay kailangan nilang mag-step up para punan ang pagkawala nito.

“Masama ang loob namin na hindi siya makakalaro pero nandoon ang feeling na kailangang mag-step up kami para sa kanya,” dagdag nito.

Positibo pa rin na sasabak ang pambansang koponan sa SEA Games dahil nagawa nilang sumalang sa iba’t ibang training camp sa labas ng bansa at tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pagsasany dito pa­ra mas maingat pa ang antas ng kanilang laro bi­lang isang tropa.

vuukle comment

ABY MARAñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with