^

PM Sports

Galanza nagpasalamat kay Bundit

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbunga lahat ng pagod at sakripisyo ni Creamline outside hitter Jema Galanza matapos si­yang pangalanan bilang Most Valuable Player ng katatapos lamang na 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Conference.

Doble itong selebrasyon para sa dating Adam­son Uni­versity Lady Falcons ace player dahil kasabay ng kanyang pagbulsa sa una niyang MVP award ay nadagit ng Cool Smashers ang back-to-back titles sa kumperensiya.

Bagama’t nanibago sa sistema ng pagsasanay at paghahanda sa mga kamay ng Thai coach Tai Bundit ay malaki pa rin ang pasasalamat niya rito dahil mas umangat ang antas ng kanyang laro.

“Ang sarap sa pakiramdam din kasi last year pa sobra ‘yung pagod ko kay coach Tai sa trai­ning, umiiyak ako sa kanya. Sumasakit ang ankle ko la­gi sa kanya. Lahat ng paghihirap naranasan ko sa kanya,” pahayag ni Galanza.

“Now nakikita ko na nag-i-improve ako. So­b­rang thankful ko kay coach Tai. Siyempre, sa mga team­mates ko rin ka­­­si kung hindi dahil sa ka­­nila hindi ko magagawa iyon.”

Wala ring pagsisisi si Galanza sa kanyang pasya patungkol sa pagwi-withdraw sa national team pool dahil naging maganda naman ang resulta nito sa Creamline na nakuha ang kampeo­nato ng torneo.

Matatandaan na ilang linggo bago lumi­pad patungong Thailand ang Nationals para su­mabak sa kanilang trai­ning camp at lumaban sa first leg ng ASEAN Grand Prix, ay umalis si Galanza sa training pool para mas pagtuunan ni­ya ang Cool Smashers.

vuukle comment

JEMA GALANZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with