Tigers pinapak ang Maroons
Iniwasan ni Ricci Rivero ng UP ang supalpal ni Soulemane Chabi Yo ng UST. (PM photo ni Jun Mendoza)
Tigers pinapak ang Maroons
Paul Jerome Carpio (Pang-masa) - November 11, 2019 - 12:00am

Pumuwersa ng ‘winner-take-all’ game

MANILA, Philippines — Humirit ng ‘do-or-die’ game sina Rhenz Abando at ang University of Santo Tomas matapos muling ilampaso ang University of the Philippines, 89-69, sa stepladder semis ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament ka­hapon sa Smart Araneta Co­liseum.

Nagtala ng tig-17 points sina Abando at UAAP MVP Soulemane Chabi Yo para makapu­wer­sa ang Growling Tigers ng ‘winner-take-all’ game sa Miyerkules.

May solidong suportang 16 markers, 4 boards at 4 assists si Rookie of the Year Mark Nonoy, habang may 12 at 11 points sina Sherwin Concepcion at Cj Cansino, ayon sa pag­kakasunod.

Ito ang ikatlong kabi­gu­an ng Fighting Maro­ons sa Growling Tigers.

“It’s all about execution. Execution on both de­­fense and offense. We exe­­cuted our gameplan and lahat ng instructions ko ay sinusunod ng mga pla­­­yers.” ani UST coach Al­din Ayo

Sinamantala ng Grow­ling Tigers ang 11 turnovers ng Fighting Maroons sa first half upang ma­­­kuha ang maagang 17-point lead, 41-24.

Lumayo pa ang UST sa 50-31 mula sa basket ni Nonoy sa 5:55 minuto ng third period.

Sa pangunguna nina Juan Gomez De Liaño, Ko­be Paras at Bright Ak­huetie ay nakalapit ang UP sa 63-72 sa huling 3:13 minuto ng fourth pe­riod.

Nagtuwang si­na Concepcion, Nonoy at Chabi Yo para makum­pleto ang 13-2 atake ng Tigers.

 

MAROONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with