Donaire pinagreretiro na ng ama
Chris Co (Pang-masa) - November 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung si Dodong Do­naire, Sr. ang masu­sunod ay nais na niyang magretiro na ang kanyang anak na si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.

Sariwa pa si Donaire  sa masaklap na unanimous decision loss kay unified world titleholder Naoya Inoue ng Japan sa finals ng World Bo­xing Super Series ban­tam­weight division sa Su­per Arena sa Saitama, Japan.

Nais ni Dodong na pag­pahingahin na ang kanyang anak na marami na ring napatunayan sa mundo ng boksing.

May titulo si Donaire sa apat na magkaka­ibang dibisyon.

Nahawakan niya ang IBF flyweight noong 2007 hanggang 2009, ang WBC at WBP ban­tam­weight titles noong 2011, ang IBF super ban­tamweight title no­ong 2012, ang WBO su­per bantamweight titli noong 2012 at 2016, ang WBA super featherweight title noong 2014 at WBA super bantamweight title noong 2018 at 2019.

“Kung ako lang ta­tanungin, ayoko na siyang lumaban pa,” wika ni Dodong sa kanyang anak. “He has no­thing to prove na da­hil ma­rami na siyang na­pa­tunayan sa bo­xing.”

Tanggap naman ni Dodong ang pagkatalo ni Donaire kay Inoue.

Sinabi ni Dodong na may mga ilang pagka­kataon na halos abot-ka­may na ni Nonito ang knockout win kung saan napadugo pa nito ang ilong ng Japanese fighter.

Ngunit bigo si Do­naire na sundan ang kanyang kumbinasyon da­hilan para makalusot si Inoue.

Ngunit tila wala pa sa isip ni Donaire ang magretiro.

Tuloy ang laban para kay Donaire na inaa­sa­hang matikas na mag­ba­balik-aksyon sa susunod na taon.

Target ni Donaire na makabangon at mu­ling iangat ang kanyang pa­ngalan sa tuktok ng bo­xing world.

“I’d rather put my life on that shield than give up. And that we will always fight,” pahayag ni Donaire matapos ang na­sabing pagkatalo kay Inoue.

DONAIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with