Nailusot ni Edson Batiller ng Knights ang kanyang layup laban kina Jeff Santos at Jayson David ng Pirates.
PM photo ni Jun Mendoza
Knights hahamunin ang Red Lions sa finals
Francisco Cagape (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinorpresa ng No. 3 seed Letran ang No. 2 ranked Lyceum, 92-88,  sa ka­nilang knockout step­ladder semis para muling uma­bante sa Finals ng Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa Cuneta Astrodome ng Pasay City kahapon.

Hindi nagpatinag ang Knights sa kanilang dalawang kabiguan sa Pirates sa eliminasyon sa pamumuno nina Fran Yu, Bonbon Batiller, Lar­ry Mu­yang at Jerrick Ba­­lanza pa­­ra muling pumasok sa best-of-three Finals matapos ang apat na taon.

Makakaharap ng Letran ang ‘three-peat’ titlist na San Beda Red Lions sa title series simula sa Martes sa MOA Arena.

Nagtala si Yu ng 20 points, 5 rebounds at 6 assists, habang tumipa ng 19 markers at 5 boards si Muyang.

Kumolekta si Batiller ng 13 points, 5 rebounds at 6 assists para sa Knights ni coach Bonnie Tan.

Nagdagdag ng 11 points si Ba­lanza para sa Letran na tumapos na may 12-6 marka sa double-round elims at huling pumasok sa Finals noong 2015 matapos talunin ang Red Lions.

Sinabi ni Tan na handang-handa sila kontra sa Red Lions sa Finals, ang kanyang una simula nang pa­litan si Jeff Napa sa Letran bench noong nakaraang taon.

Sa juniors’ division, pu­masok ang Lyceum Ju­nior Pirates sa Finals sa unang pagkakataon matapos itakas ang 78-76 pa­na­lo kontra sa No. 3 seed San Sebastian Staglets sa kanilang semis match.

Humataw si John Bar­ba ng career-high na 36 points para makuha ang karapatang labanan ang top seed na San Beda Red Cubs sa Finals.

Nauna nang nakuha ng Red Cubs ang unang Finals slot sa pagpapa­dapa sa CSB-LSGH Gre­enies, 82-79.

 

KNIGHTS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with