Nakipaglaban sa rebound sina Allen Durham at Raymond Almazan ng Meralco kontra kina Khapri Alston at CJ Perez ng Columbian.
PM photo ni Joey Mendoza)
Bolts inangkin ang quarterfinals seat
Russell Cadayona (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling ipinakita ni Allen Durham kung bakit siya ang two-time PBA Best Import.

Humakot si Durham ng 34 points, 14 rebounds at 5 assists para banderahan ang Meralco sa 92-74 paggiba sa Columbian sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Ara­neta Coliseum.

Ito ang ikaapat na su­nod na arangkada ng Bolts para pormal na pita­sin ang ikatlong silya sa eight-team quarterfinal round.

Nalasap naman ng Dyip ang kanilang ikalawang dikit na kamalasan at nalaglag sa 4-6.

Nagdagdag si 6-foot-8 center Raymond Almazan ng 18 markers, 24 boards at 2 blocks para sa tropa ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black.

“He knows the sytem already and he’s comfor­table with his teammates,” sabi ni Black kay Al­mazan. “He’ s been doing a good job for us particularly in the boards.”

Kaagad kinuha ng Me­ralco ang 14-point lead sa pagtatapos ng ope­ning period bago binitbit ang 45-29 kalamangan sa halftime.

Naghulog naman ang Columbian ng 12-2 bom­ba sa pagbubukas ng third quarter para makalapit sa 41-47 patungo sa pag­sa­sara nito sa 58-67 sa li­kod nina import Khapri Alston at No. 1 overall pick CJ Perez.

Ngunit muling bu­man­dera sina Durham, Al­mazan, Chris Newsome at Allein Maliksi pa­ra itaas ang Bolts sa 83-67 sa huling 3:02 minuto ng final canto.

Umiskor si Perez ng 21 points sa panig ng Dyip at may 19 markers si Alston.

 

BOLTS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with