Bulanadi umaasang mapipili sa 2019 PBA Rookie Draft
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Susubukin ni Allyn Bu­lanadi ang kanyang ka­palaran sa PBA matapos ang masakit na pagta­tapos ng NCAA career.

Bigo ang 22-anyos na si Bulanadi na madala sa tagumpay ang San Sebastian Golden Stags matapos ang 80-85 kabiguan kontra sa Letran Knights sa unang bahagi ng NCAA Season 95 men’s bas­ketball tournament Final Four.

Nagtala lamang ng 15 points mula sa mababang 5-of-17 fieldgoal shoo­ting si Bulanadi patungo sa pagkakatanggal ng Stags sa kontensyon sa kanyang huling taon.

Subalit umaasa si Bu­­lanadi na sapat ang kan­­yang pagpapasiklab sa buong season bilang NCAA scoring champion sa likod ng mga averages na 20.3 points, 5.0 rebounds, 2.3 assists at 1.3 steals para mapalakas ang draft stock.

Matunog ang pangalan ni Bulanadi na ma­ging first rounder sa papa­rating na PBA Rookie Draft ba­gama’t kailangan munang tapusin ang commitment niya sa Maharli­ka Pilipi­nas Basketball League pa­ra sa koponan ng Basilan Steel.

May 12-8 baraha ang Steel sa idinaraos na 2019 MPBL Season.

Ayon kay Bulanadi, may kasunduan na siya sa naturang koponan na li­mi­tado lang ang malalaruan niyang laban para  sa pag-akyat sa PBA.

Noong nakaraang bu­wan pa natapos ang deadline ng PBA Draft ap­plication para sa mga Fil-Fo­reign players pero may hanggang Nobyembre 29 pa ang local cagers tulad ni Bulanadi upang magsumite ng kanilang ap­likasyon.

Sa Disyembre 8 gaga­napin ang PBA Rookie Draft sa Robinson’s Place sa Ermita, Maynila.

 

PBA ROOKIE DRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with