Muling sasandalan ng Creamline si Jema Galanza laban sa PetroGazz sa Game Two.
Creamline wawalisin ang PetroGazz sa game 2
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pakay ng Creamline na tapusin na ang serye at kunin ang back-to-back title, habang susubukan naman ng PetroGazz na maipuwersa ang ‘do-or-die’ match sa pagtutuos ng dalawa sa Game Two ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Open Confe­rence Finals sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap ang dalawang tropa ngayong alas-6 ng gabi matapos ang bakbakan ng BanKo Perlas at Motolite sa alas-4 ng hapon para sa bronze medal.

Nakauna sa best-of-three championship series ang defending champions na Cool Smashers nang madaliang tinapos ang 2019 Reinforced Conference titlist na Gazz Angels sa Game One, 25-14, 25-22, 27-25, no­ong Miyerkules.

Umaasa si national team member at Creamline ace player Alyssa Valdez na hindi na mauulit ang bangu­ngot ng 2019 Reinforced Conference kung saan nakauna sila sa serye bago nakabawi ang PetroGazz at tuluyan nang angkinin ang kampeonato.

“One thing we want as a team is ayaw naming maulit ‘yung hirap na pinagdaanan namin noong Re­in­forced Conference,” wika ni Valdez. “So, we have to stay focused and composed towards our other games.”

Sa panig naman ng Gazz Angels, pipilitin ng ko­po­­nan na mabawian ang Cool Smashers at baguhin ang mabagal nilang simula sa Game One.

Alam ni PetroGazz head coach Arnold Laniog na sila ang dehado sa serye dahil sa alam nila kung anong kayang ibigay ng Creamline.

Ngunit gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para sabayan at talunin ang karibal.

“Talagang sa laban na ito, liyamado talaga ang Creamline. But for us, kailangang maging masipag at matiyaga lang at tiyak na kahit ‘yung kalaban natin ay pumupukpok nang pumupukpok, magtatrabaho lang tayo until the end,” sabi ni Laniog. “Kumbaga hangga’t hindi pa natin nakukuha ‘yung groove natin, hindi tayo hihinto.”

Matapos ang Game Two ay paparangalan din ang mga natatanging manlalaro ng nakaraang All-Filipino confe­rence sa isang maikling seremonya.

 

CREAMLINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with