Letran, Lyceum asam ang finals berth
Francisco Cagape (Pang-masa) - November 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng No. 3 Letran ang ikalawang Finals seat sa kanilang ‘do-or-die’ game ng No. 2 Lyceum sa stepladder se­mifinals ng Season 95 NCAA men’s basketball tour­nament sa Cuneta Astrodome ng Pasay City.

Dahil sa panalo laban sa San Sebastian Stags no­­ong Mar­tes ay tiwala ang Knights na muling umabante sa Finals sa pag­harap sa Pirates nga­yong alas-4 ng hapon.

Pag-aagawan naman ng LPU Junior Pirates at SSC Staglets ang hu­ling Finals slot sa juniors’ divi­sion sa ala-1 ng hapon.

Ang mananalo sa Let­ran at Lyceum ang ha­harap sa ‘three-peat’ champions at undefeated San Beda Red Lions sa best-of-three title series na magsisimula sa Martes sa MOA Arena.

Nagwagi ang Knights  kontra sa Stags, 85-80, sa unang playoff match ng stepladder semis kaya pumasok ang tropa ni coach Bonnie Tan sa ikala­wang round ng semis.

Sinabi ni Tan na mas ma­lakas ngayon ang tiwa­la ng buong koponan bu­nga sa panalo sa San Sebastian sa pangunguna ni Jerrick Balanza na nagtala  ng 15 points, 6 rebounds at 4 assists, habang may 14 markers naman si Bonbon Batiller na may kasamang 3 boards at 3 assists.

Hindi pa nananalo ang Letran laban sa Lyceum sa ta­ong ito kaya mala­king ba­gay ang kanilang da­­la­wang panalo sa kontra sa Knights upang pagtibayin ang kumpiyansya nila para tumuntong muli sa Fi­nals kontra sa Red Lions sa ikat­long sunod na pagka­ka­­taon.

Nagwagi ang Pirates kon­tra sa Letran, 84-80, sa una nilang pagtatagpo.

 

LETRAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with