Inoue patutulugin si Donaire sa November 7
Chris Co (Pang-masa) - November 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idolo ni International Boxing Federation at World Boxing Associa­tion regular bantamweight champion Naoya Inoue ng Japan si WBA super ban­­tamweight king Nonito ‘The Filipi­no Flash’ Donaire, Jr..

Ngunit isasantabi mu­na ito ni Inoue sa oras na makaharap si Do­naire sa finals ng 2019 World Boxing Super Se­ries bantamweight sa Nob­yembre 7 sa The Su­­per Saitama Arena sa Sai­tama, Japan.

Mataas ang respeto ni Inoue kay Donaire na itinuturing ng Japanese fighter na isa sa mga nag­sisilbing inspirasyon niya para magpursige at maabot ang kasaluku­yang estado nito.

“I have been wat­ching Donaire throughout his career and was stea­ling his moves when I was starting out in bo­xing. I have a lot of res­pect for Donaire, I have idolized him and that’s why he was the one I wanted to fight the most in this tournament,” wi­ka ni Inoue.

Handa si Inoue na ga­win ang lahat para pi­gilan ang kanyang idolo.

Sa katunayan, plano ni Inoue na makuha ang knockout win sakaling mag­karoon siya ng pagkakataon na makapasok.

“But now it’s time for a change of generations. I’m prepared to fight for 12 rounds with No­nito Donaire, but if I see an opening, I will aim for a knockout,” ani Inoue.

Kinailangan lamang niya ng 70 segundo para ma-knockout si dating champion Juan Carlos Pa­yano sa quarterfinals ba­go payukuin sa se­cond round si Emmanuel Rodriguez sa semifi­nals para makuha ang IBF title.

Hangad ni Inoue na gumawa ng pangalan at patunayang siya ang pinakamahusay na ban­tam­weight boxer sa buong mundo.

DONAIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with